Mabait na Guro, binastos at minura ng kanyang mga estudyante dahil lang sa isang module - The Daily Sentry


Mabait na Guro, binastos at minura ng kanyang mga estudyante dahil lang sa isang module




Mula sa loob ng tahanan at paggabay ng mga magulang at maging ng buong pamilya unang itinuturo ang kagandahang asal at pagbibigay respeto ng mga kabataan bago paman ito pagyayamanin ng aral sa mga paaralan. 


Hanggang saan kayang tiisin at pagpapasensyahan ng mga tinaguriang pangalawang magulang ang mga dagdag pasaning ibat-ibang pag-uugali ng kanilang mga estudyanteng nilalaanan nila ng halos lahat ng kanilang oras, panahon, at talino upang matuto. 


Usap-usapan sa social media ang mga kumakalat na kuhang mga larawan kung paano lapastanganin ng pambabastos at pagmumura ng mga estudyante ang kanilang Guro na si Hans Machacon na kasalukuyang nagtuturo sa Abellana National School Day and Night - DepEd Region 7, Cebu, dahil lamang sa napakawalang kwentang dahilan na unang-una ay hindi naman niya kasalanan.



Nanghihimutok sa galit ang kanyang mga estudyante dahil sa   ibinigay niyang Math activity na nagkalituhan sa hinihingi nilang link sa pinapasagutang module sa parehong subject. 


Walang kaalam-alam si Sir Hans na winalanghiya na pala siya ng kanyang mga estudyante sa sariling nitong ginawang group chat. 



"Whât thē F***!,"


"Bo b0, pëstė, asaan na yung sasagutan,"


"Haaay naku p**** i** nakakainis,"


"Bo b0 mo Sirrr,"


"P**** i** kang guro ka. Napakab*b0 mong tao,"


"Sab0g ata tong guro na 'to," 


"Pëstėng guro, pakam@tây ka nalang Sir"


"P**** i** siya ang hindi nakakaintindi,"


"Hanapin mo ang pake ko," 



Agad naman nagpaliwanag si Sir Hans na lahat ng mga links sa digital modules ng kanilang aralin ay ibinibigay na sa kanilang mga Advisers para sila na ang mag-share nito sa mga estudyante. Humingi rin siya ng pasensya sa mga estudyante dahil ang akala niya'y may mga kopya na ang mga ito.


"Sorry nag-expect ako na meron na kayo,"



Pagdidiin din niya sa mga estudyante na kung wala man silang natanggap na link mula sa kanilang adviser, maaari lang din naman silang humingi ng maayos sa kanya hindi sa paraang mumurahin siya. 


"Tama ba yang ginagawa ninyo?,"


"Ang mag-unsend ng message/chat -100. Matuto kayong rumespeto sa Guro,"


Marami sa mga naging estudyante ni Sir Hans ang nagsasabi na isa ito sa pinakamabait nilang guro, tahimik at magaling. 


At tunay ngang umaapaw ang kabaitan niya dahil sa kabila ng pambabastos sa kanya ng mga estudyante, nakuha pa nitong hikayatin ang mga ito na gawin ang mga aralin at siya na ang bahala. 

 

"Ok. Pero if meron kayong problema, alalahanin niyo na mas mamomroblema ako kung bumagsak kayo. Magtulungan tayo. Ipasa niyo lang ang pre test, post test, what i can do, i will do the rest," 



Umabot ang naturang isyu sa anak ni Sir Hans na si Laire Marie Machacon, isang cabin crew sa isang sikat na International Airline at maging ito ay hindi masikmura kung gaano kabigat ang pambabastos na natanggap ng kanyang Ama. 


"When I messaged my dad, all he said was "Sige lang dae kay basin naa silay problema sa ilaha." INGUN ANA KA BUOTAN SI PAPA KUWANG NALANG MA SANTO NI SIYA," 


“Papa is both a Civil Engineer and a Geodetic Engineer, a TOPNOTCHER. And if you give him any Math problem, he’ll look into it, study it for a few minutes and solve it. In other words, Papa eats numbers and equations for breakfast!” 


“To everyone who has really gone oceans and given light to people on their own experiences on how patient, kind-hearted, and good my father is, thank you,” 


Narito ang kuhang kopya ng palitan ng mga estudyante sa kanilang GC:
































***

Source:  Gwyneth Gabales Racaza

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!