Lola mag-isang kumakayod sa paninimot ng tira-tirang palay para may maisasaing - The Daily Sentry


Lola mag-isang kumakayod sa paninimot ng tira-tirang palay para may maisasaing




Napakahirap maging mahirap! Paniniwala ng iilan hindi kasalanan ng isang tao kung pinanganak siyang mahirap, kasalanan nalang niya kung mamatay siyang mahirap. 


Nag-iwan ng luha sa mga nakakanood ng nag-viral na video tungkol sa isang matandang Lola na nadaanan ng isang grupo sa ilalim ng katirikan ng araw sa palayan. 


Siya si Lola Susana Balones mula sa Barangay Fernandez, Maayon, Capiz na nasaktuhang nadaanan ng isang grupo mula sa kanilang relief operation sa gitna ng isang malawak na taniman ng palay.



Hindi iniinda ng matanda ang sakit ng matinding sikat ng araw at ang kondisyon nito habang mag-isang namumulot ng mga tira-tirang mga palay na sinalanta na baha para kahit papano'y meron daw siyang maibilad at maisaing na bigas mula rito. 



Dahil sa init, nahahapong pumagilid si Lola Susana habang binibigyan ng tubig at makakakain ng grupong Capiz Mandaragat na nakakita sa kanya. Halatang wala pa siyang kain at naiinom na tubig dahil halos walang patid ito sa pagkain ng lugaw at sa dami ng kanyang nainom na tubig. 


"Maraming salamat. Sobrang dami na ng pagkain na ito," sambit ng pasasalamaat ng matanda. 


Maputik ang kanyang mga kamay at mga paa habang bitbit ang iilang piraso lamang na tangkay ng palay na napuno rin ng putik dahil nasira din umano ng nagdaang baha. 





Pinapatigil at pinapawui na nila si Lola Susana sa pamumulot baka kung ano pa ang sasapitin nito mag-isa sa init ng panahon. Inabutan ng grupo ng tulong bigas, itlog, sardinas, noodles at pera na lubos ipinagpapasalamat ng matanda.


Makikita sa video ang sobrang katandaan na ni Lola Susana pero patuloy parin na naghahanapbuhay, marahil para sa kanyang pamilya o di kaya'y sa pansariling pangangailangan.  


Patunay na kahit hindi man kasingdali ang buhay niya kumpara sa iba, tumanda man siyang nararanasan parin ang kahirapan sa buhay ang mahalaga ay nakikitang hindi siya sumuko sa hamon ng buhay, bagkus ay puno parin ng pagsisikap at paghahanap ng paraan.  




Marami sa mga nakakapanood ang naawa sa sitwasyon ng matanda. Lahat ay nagpapasalamat sa mga tumulong at humihiling na sana'y huwag pababayaan lahat ng mga matatanda, mahalin at pahalagahan habang may pagkakataon at panahon pa. 


***

Source: Capiz Mandaragat

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!