Kwento sa likod ng larawang kuha ng isang anak kasama ang kanyang Ina, nagpaluha sa mga netizens - The Daily Sentry


Kwento sa likod ng larawang kuha ng isang anak kasama ang kanyang Ina, nagpaluha sa mga netizens




Ang posisyon at trabaho ng pagiging Ina na siguro ang siyang pinaka mahirap sa lahat, mabigat, sakit sa ulo at walang katapusang responsilidad sa buong mundo, ngunit sila ring mga 'ilaw ng tahanan' ang walang sweldong natatanggap at walang hinihinging kapalit sa araw-araw nilang sakripisyo para sa buong pamilya, gayunpaman, bihirang napapahalagahan.  


Tunay na sakit sa ulo siguro para sa karamihan ng mga Ina ang dami ng kanilang inaasikaso, hindi mabilang na mga iniisip sa araw-araw na mga suliranin at problema ng pamilya. 


Kaya ang iba sa sobrang pagka strëss at pagod ay hindi na nakayanan pang dalhin ng kanilang puso't isipan ay humantong sa pagkawala sa kanilang tamang pag-iisip, at kung hindi pa maaagapan ng agarang pagpapagamot ay posibleng humantong sa permanenteng pagkasira ng kanilang katinuan.


Katulad nalang ng isang nakakapanlumong tagpo na ipinost ng isang anak na si Poland Diosana na kumurot sa puso ng mga netizens. 



Ibinahagi niya ang larawan nilang dalawa ng kanyang pinakamamahal na Mama at kung titignan tila isang pang-karaniwang tagpo lamang ang mga nasa larawan, ngunit lingid sa kaalaman ng iba, hindi na siya kilala pa ng kanyang sariling Ina. 


"Bahala nang hindi mo na ako nakikilala, basta ako kilala parin kita. I love you Ma❤️ 


Kuha ang picture nila sa gilid ng kalsada kung saan doon natagpuan ni Poland ang kanyang Ina at tila parang nagpapicture na lamang siya sa kanyang Ina na kahit anong pakilala niya'y hindi na siya nito naaalala. 


Makikita rin sa naturang larawan na may mga katabi rin itong mga tao na tulad niya marahil ay doon at kung saan-saan nalang napapadpad. 



Marami sa mga netizens ang naawa at nagbigay ng kanilang mga suhestiyon na maaaring gawin ng pamilya sa sitwasyon na sinapit ng kanilang Ina, ngunit ayon pa kay Poland ninanais nilang isama pauwi ito ngunit kahit anong pilit ay ayaw nitong sumama.


"Maraming salamat sa lahat ng mga tao na nagpakita ng kanilang concern sa kalagayan ng aking Mama. Regarding kay Mama kung bakit hindi namin siya mapauwi sa bahay dahil siya na mismo ang ayaw sumama at isa pa, hindi na niya talaga kami nakikilala," 


Umani din ng paghanga si Poland dahil sa kabila ng sinapit ng kanyang Ina ay hindi niya ito ikinahiya bagkus ay gumawa pa ng paraan para sa kabutihan ng Ina.


***


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!