Larawan mula sa It's Showtime |
Hindi matatawaran ang nakakabilib na ipinamalas na determinasyon, lakas ng loob, sipag at tiyaga ng isang 81-taong gulang na lola dahil sa pagpupursigi nito na maabot at makapagtapos ng senior high school sa kabila ng kanyang edad.
Viral sa social media ang 81-taong gulang na si Lola Sally Nacario na taga Makati City kung saan ay nagawa nitong makapagtapos ng senior high sa Fort Bonifacio High School sa kabila ng katandaan.
Ayon sa kwento ng kanyang teacher adviser na si Abner Ubina, madalas ay masipag na pumapasok ng maaga sa kaniyang klase si lola Sally.
Larawan mula sa It's Showtime |
Larawan mula sa It's Showtime |
Ayon kasi sa paniniwala ni lola Sally, madaling maloko ang isang tao kung wala itong pinag-aralan kung kaya naman ganito na lamang ang pagpupursigi ng matanda para matapos ang kanyang pag-aaral sa senior high school.
"Madaling lokohin ang walang pinag-aralan. Gusto ko talaga matapos ang pag-aaral ko kahit matanda na ako, kakayanin ko." ito ang naging pahayag ni lolo Sally.
Matagal na umanong nais ni Lola Sally na makapagtapos sa pag-aaral ngunit maaga daw siyang nakapag-asawa ng isang sundalo at nagkaroon ng sampung anak, kung kaya naman naisantabi na ang kanyang pangarap na makapagtapos at maging isang military nurse.
Kung kaya naman noong may pagkakataon na ito para maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ay hindi na ito nagdalawang isip para makapag-enrol sa Bonifacio High School.
Madami ang nagulat at madaming natanggap ng negatibong komento si Lola Sally mula sa ibang tao ngunit hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy ang kanyang nais gawin.
Dahil sa kwentong buhay na ito ni Lola Sally ay hindi mapigilan ng tv host ng isang noontime show na "It's Showtime" na si Vice Ganda na magblik-tanaw sa buhay ng kaniyang kabataan.
Larawan mula sa It's Showtime |
Nahiya ako kasi nung may panahon akong mag-aral, na malakas ako sa pangangatawan ko inaksaya ko iyong pagkakataon na iyon, di ba? Samantala yung ale, naghahabol." ayon kay Vice Ganda matapos marinig ang kwento ni Lola Sally.
Bilang handog sa ipinamalas na pagpupursigi ni lola Sally ay binigyan siya ni vice ng ilang relago at furnitures.
Larawan mula sa It's Showtime |
Larawan mula sa It's Showtime |
Laking tuwa ni Lola Sally na tila walang mapaglagyan ang saya ng kanyang nararamdaman dahil bukod sa toga at diploma na kaniyang natanggap ay natupad din ang matagal na niyang inaasam na magkaroon ng maayos na furnitures sa kanilang bahay.
Payo naman ni vice sa mga nakararami na hindi dahilan ang katandaan para bumitaw sa mga pangarap at mawalan ng pagasa.
Larawan mula sa It's Showtime |
Larawan mula sa It's Showtime |
Talaga nga namang nakakamangha ang mga ganitong kwento ng buhay na magsisilbing inspirasyon sa lahat.
Katulad din ng isang kwento ng isa nating kababayan na Aeta mula sa Tarlac, matapos hindi mawalan ng pag-asa upang makapasa sa Licensure Examination for Teacher (LET).
“Try and try until you succeed,” tila ito ang naging motto ng gurong si Gennie Victoria Panguelo matapos niyang maipasa ang LET sa ika-25 beses na pagkuha ng exam at kasalukuyan ng nag-aaral upang magkaroon ng doctoral degree.
Larawan mula sa Buhay Teacher |
“Sinasabi nila matanda ka na, ‘di ka pa pumapasa. Ano ba ‘yan, maputi na ang buhok mo, ‘di ka pa rin nakapasa,” ani Teacher Gennie.
Sa mga kabataan na tulad kong naghangad na maging titulado, huwag po kayong manghinayang,” ang payo ng guro.
“Kapag bumagsak, bumangon ulit. Kasi hindi lang nakukuha sa isang pagkakataon, kailangan natin ng tunay sa loob, sinseridad, at pagtitiyaga,” dagdag pa niya.
***