Ina, binilhan ng cellphone ang mga anak sa kondisyon na bayaran nila ito sa kanya ng hulugan - The Daily Sentry


Ina, binilhan ng cellphone ang mga anak sa kondisyon na bayaran nila ito sa kanya ng hulugan



 

Larawn mula kay Michelle Mangahas

Mapapansin na sa panahon ngayon ay tila lumalala na at tila hindi na mapigilan ang mga kabataan sa  pagkahumaling sa mga gadgets partikular na ang cellphone.


Imbes na maglaro sa labas at magkaroon ng tamang ehersisyo ang katawan ng mga kabataan ngayon ay madami ang tila pinipili na lamang manatili sa loob ng bahay habang nagse-cellphone.


Madaling mahumaling ang mga kabataan sa cellphone dahil madami kang maaaring gawin dito tulad ng panunuod ng paglalaro ng mga mobile games at maaari ka ring manuod ng sari't saring palabas.

Larawan mula sa Google

Hindi naman lahat ay kayang magkaroon ng cellphone dahil hindi rin naman biro ang presyo nito lalong lalo na sa mga taong sakto lang ang kinikita sa pang araw-araw na gastusin.


Kung kaya naman madaming magulang ang doble kayod sa pagtatrabaho para lang matupad ang pangarap ng mga anak na magkaroon ng cellphone.


Dahil dito ay nag-viral naman sa social media ang isang wais na ina na si Michelle Mangahas matapos nitong ibahagi sa kanyang Facebook account ang kanyang naisip na diskarte para maibigay ang matagal ng kahilingan ng kanyang mga anak na magkaroon ng cellphone ngunit sa paraan na may matututunan rin ang mga ito.


Tatlo ang anak ni Michelle na may edad na 14, 11 at 6. hiwalay na sa kanyang asawa si Michelle kung kaya naman todo kayod ito para buhayin ang kanyang mga anak.


Ayon sa post ni Michelle, matagal ng may gamit na cellphone ang kanyang mga anak ngunit sira-sira na ito at panay ang reklamo nila na nais na nila ng bagong cellphone.

Larawn mula kay Michelle Mangahas

Larawn mula kay Michelle Mangahas

Dati ay hindi maintindihan ni Michelle kung bakit kailangan na ng mga anak niya ng cellphone dahil mga bata pa naman ang mga ito, ngunit kalaunan ay nakumbinsi siya ng kanyang mga anak na kailangan nila ng mas magandang kalidad ng mga kuhang litrato gamit ang cellphone na mas maganda kaysa sa luma nilang ginagamit.


Dahil gusto ni Michelle na matuto ang kanyang mga anak sa responsibilidad at tamang paghawak ng pera, pinayagan niya itong bumili ng bagong cellphone gamit ang naipon na pera ng mga bata.


Ngunit hindi sapat ang perang naipon ng mga bata kung kaya naman napagkasunduan nila na aabonohan muna ito ni Michelle at paunti-unti na huhulugan ng kanyang mga anak sa kanya hanggang sa tuluyan nilang mabayaran ito ng buo.

Larawn mula kay Michelle Mangahas

Larawn mula kay Michelle Mangahas

Tila nga naman hindi maganda para sa iba ang ginawa ni Michelle para mabilhan ng bagong cellphone ang kanyang mga anak ngunit naniniwala siya na sa ganitong paraan ay habang mga bata pa sila ay matututo silang makita ang kahalagahan ng pagiging madiskarte sa pera.


Ayon pa nga sa kanya, hindi umano obligasyon ng mga magulang na bilhan ng cellphone ang mga anak ngunit wala naman daw siyang nakikitang mali kung ibibigay ang kagustuhan ng mga ito lalo na kung paghihirapan naman nila iyon.


***


Source: smartparenting