Huling damit na binili at mensahe ni Herlene "Hipon" Budol para sa kanyang lolang namayapa, nagpatulo ng luha sa mga netizens. - The Daily Sentry


Huling damit na binili at mensahe ni Herlene "Hipon" Budol para sa kanyang lolang namayapa, nagpatulo ng luha sa mga netizens.



Damang-dama sa social media ang labis na pangungulila ng tinagurian "Hipon" na si Herlene Budol nang mamayapa ang kanyang lola o Nanay Bireng na siyang tumayong ina at nag-aruga sa kanya sa mahabang panahon.

Mula sa mga simpleng daster na pasalubong nito sa kanyang lola, hindi maipaliwanag na sakit sa dibdib ang nadama ni Herlene nang mapagtantong damit pang burol na ang huling damit na bibilhin nito para sa kanyang Nanay Bireng.




"Ang bigat bigat sa dibdib...[3 crying emoji]"

"Dati, pag may natira ako sa kinita ko sa taping. agad agad ako bibili ng pasalubong kila Tatay Oreng ko at Nanay bireng kht tsinelas, duster o kht anong simpleng pasalubong makita ko lang yung gandang ngiti nila at may bonus pa akong masarap na akap galing sa kanila. Tapos yung mag tiktok kami at tuturuan ko pa sila sumayaw at sabayan lang ako mag tiktok. Ang babaw lang ng kaligayahan ko mga KaSquammy ko parang bata lang sa Hipon girl nyo...yung mapasaya ko sila ay sobrang priceless na po para sa akin. dahil kulang pa yung pag aaruga nila sa akin sa dalawampu't dalawa taon sa akin."

Herlene Hipon Budol | Facebook

Herlene Hipon Budol | Facebook


"Ngayon, napaka bigat sa dibdib ko dahil eto na yung huling damit na ibibili ko para kay Nanay. indi ko na cya makasama sa tiktok at kulitan. ang sakit sakit mawalan ng taong mahal mo sa buhay."

"Si nanay Bireng at si Tatay Oreng ang number #1 fan ko at proud na proud sa akin sa bawa't apearance ko sa television at wala silang linalagpasan sa lahat ng appearance ko simula ng Wowowin days."

Herlene Hipon Budol | Facebook

Herlene Hipon Budol | Facebook


"Sobra ko silang na appreciate dahil laging silang naka abang sa TV at proud ako sabihin sa buong KaSquammy, Kahiponatics at Kabudol ko dyan na sila Tatay Oreng at Nanay Bireng pina laki ako ng maayos at indi biro yung dalawampu't dalawa na taon. kaya sobrang sama ng loob ko sa sarili ko na indi ko man lang sila nabigyan at maranasan ng magandang buhay sa pag aaruga nila sa akin."

Herlene Hipon Budol | Facebook

Herlene Hipon Budol | Facebook


Nagbigay paalala rin si Herlene sa mga kabataan na kung maaari ay bigyang halaga ang mga magulang at pamilya habang sila'y nabubuhay pa. Paghandaan ang mga hindi inaasahang pangyayari para hindi masyadong mahirapan, kung sakaling kailanganin ng malaking gastusan.

Inaasahan din nito gabay ng kanyang lola sa papalapit nitong laban sa Binibining Pilipinas 2022. Ayon kay Hipon ay pinangako raw nito sa kanya na manonood siya sa nasabing kompetisyon.


Herlene Hipon Budol | Facebook

Herlene Hipon Budol | Facebook