Ikinatuwa ng marami ang muling pagkikita ng mga anak ng aktres na si Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice sa kanilang ubod ng yaman na ama na si Yilmaz Bektas matapos ang labing limang taon. Kaya naman, muling naungkat ang nakaraan ng dating mag-asawa at marami ang curious sa estado ng buhay ngayon ng ex-husband ni Ruffa.
Tatlong taon matapos niyang ikasal sa aktres/host at dating beauty queen na si Ruffa, naitayo ni Yilmaz ang sarili niyang kumpanya. Siya ang chairman ng Intel Group of Companies kung saan may investment ito sa malalaking industriya sa kanilang bansa.
Base sa impormasyong nakalagay sa website ng kanyang kumpanya, si Yilmaz ay nag-aral sa College T.E.D sa Turkey at gumraduate sa Cyprus Girne American University School of Political Sciences ng BSc in Economics. Siya din ay may master's degree sa University of Richmond (UK). Nanungkulan din siya bilang isang diplomat na responsable sa kanilang ekonomiya bandang 2004 at 2019.
Batay sa listahan ng industriyang sakop ng Intel Group of Companies, tila namonopolya ni Yilmaz ang iba't ibang industriya sa Turkey gaya ng mga sumusunod:
• Diamond and Jewelries
• Bank and Financing
• Aviation Services
• Construction
• Logistics
• Shipping Lines
• Foreign Exchange
• Petroleum
• Luxury Yacht
• Travel and Tourism
• Telecommuninations
• Media
• Hotel Chains
• Fashion
• Pharmacy
Ang pamilya Bektas ay itinuturing na oligarko sa Turkey katumbas ng mga Ayala, Araneta, Villar at Sy sa Pilipinas. Ngunit ang kumpanya ni Yilmaz ay may malawak na sakop na umaabot sa Middle East, Euroasia, Central Asia, Russia at South East Asia.
Pumapalo sa mahigit na $200,000 ang net worth ng kumpanya matapos maitatag noong taong 2000.
Hindi naging maayos ang paghihiwalay ng Yilmaz at ni Ruffa at samu't saring espekulasyon ang lumabas noong 2007 tungkol sa pagsasama ng dalawa.
Naging usap-usapan noon na hindi lamang umano si Ruffa ang asawa ni Yilmaz at sinasaktan niya umano ang aktres ng pisikal. Dahil dito, hindi napigilan ng Turkish businessman ng kanyang galit at umabot sa punto na nais na niyang idemanda si Ruffa at ang pamilya nito dahil sa paninira umano sa kanya. Ngunit nang lumaon ay hindi na ito itinuloy ng negosyante dahil ina pa rin daw si Ruffa ng kanyang mga anak.
Photo credits: Ruffa Gutierrez IG |
Matapos noon, pinili na lamang niyang manahimik at nagpakalayo-layo at hindi na muling bumalik pa sa Pilipinas matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan niya. Hindi umano siya artista o pulitko upang maging laman ng mga balita at maging sentro ng atensyon ng publiko ang kanyang buhay. Ayon sa kanya, isa siyang negosyante at importante sa kanya ang reputasyon ng kanyang negosyo at kumpanya.
Photo credits: Ruffa Gutierrez IG |
Sa kasalukuyan, humupa na ang galit ng dating mag-asawa sa isa't isa. Nabanggit din ni Ruffa na hanggang sa ngayon ay iniiyakan pa rin niya si Yilmaz sa tuwing nakakausap niya ito. Noong dumaan ang pandemya, nagawa na rin daw nilang patawarin ang isa't isa at napagdesisyunang maging magkaibigan alang-alang sa kanilang mga anak. Kasunod na nga nito ang pagpayag nga ng aktres sa kahilingan ng kanyang ex-husband na lumipad patungong Turkey ang kanyang dalawang anak kamakailan.