Estudyanteng Muslim, ibinahagi ang naging karanasan sa Katolikong paaralan - The Daily Sentry


Estudyanteng Muslim, ibinahagi ang naging karanasan sa Katolikong paaralan



 

Larawan mula kay Jomana Lomangc

Isang dahilan ang relihiyon kung bakit minsan ay nagkakaroon ng hindi pagkaka-unawaan at hindi pagkaka-intindihan ng bawat-isa sa isang lipunan dahil na rin sa kanilang magkaibang paniniwala at pananaw sa maraming bagay.


Sa katunayan nga ay dahil sa magkaibang paniniwala ng magkaibang relihyon ay nagpatayo ang mga ito ng kani-kanilang paaraan upang ituro sa mga estudyante ang mga tradisyonal na kultura ng kanilang relihiyon.

Larawan mula kay Jomana Lomangc

Larawan mula kay Jomana Lomangc

Tunghayan ang kwento ng isang estudyanteng muslim na nakaranas ng panghuhusga mula sa ibang tao matapos siyang magdesisyon na mag-aral sa isang katolikong paaran.


Kinilala ang estudyanteng ito na si Jomana Lomangco na lumaki at nasanay sa kulturang muslim kung kaya naman marami ang nagtaka sa kanyang naging desisyon na mag-aral sa katolikong paaralan.

Larawan mula kay Jomana Lomangc

Larawan mula kay Jomana Lomangc

Dahil sa desisyon ni Jomana, marami ang nagsasabing baka maging Kristiyano na siya matapos ang limang taong pamamalagi sa paaralan ng katoliko.


Noong una ay may pagalinlangan si Jomana dahil na rin sa takot na baka hindi siya pakisamahana ng maayos ng kanyang mga guro at kaklase sa kanilang paaralan ngunit dahil na rin sa pagsuporta sa kanya ng kanyang mga magulang ay lumakas ang kanyang loob na ituloy ang kanyang ninanais na makapag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas.


Ang akala ni Jomana na dahil sa kanyang paniniwala at pustura ng kanyang kasuotan na kahit na sinong makakita ay makikilala siya bilang isang muslim ay baka itrato siyang iba ngunit laking gulat ni Jomana na taliwas ito sa kanyang mga iniisip.


Ayon kay Jomana, mula noong unang araw hanggang matapos siya sa kanyang pag-aaral ay ni minsan ay hindi niya naranasan na ituring siyang ibang tao ng kanyang mga kaklase at guro sa nasabing paaralan.


"I have learned many things throughout my stay, but this I will remember in my whole life. To be of a certain fath, may it be Christianity or Islam, is to be Human. And to be human is to respect and accept each other in spite of the difference in our beliefs." ayon kay Jomana.

Larawan mula kay Jomana Lomangc

Ang kwentong ito ni Jomana ay nagpapatunay lamang na hindi batayan ang pagkakaiba ng relihiyon at paniniwala ng isang tao upang mag-iba ang pakikitungo sa kapwa.


Ang mahalaga lang naman ay kailangan marunong tayong rumespeto sa kapwa kahit ano pang estado nito sa buhay.


***