Estudyante, pinaalis sa pila sa mismong araw ng pagtatapos kahit nakabayad naman ng graduation fee - The Daily Sentry


Estudyante, pinaalis sa pila sa mismong araw ng pagtatapos kahit nakabayad naman ng graduation fee




screenshot mula sa TikTok




Labis na lungkot at pagkadismaya ang naramdaman ng isang nursing graduate ng Lorma Colleges La Union na si John Marcelino Rosaldo dahil siya ay hindi pinayagang makaakyat sa stage sa araw ng kanyang pagtatapos noong Hunyo 23, 2022 kahit siya ay nakapagbayad naman ng kanyang graduation fee sa nasabing paaralan.
 
Pinost ng kapatid ni John Marcelino na si Celene Rosaldo ang nangyari sa kanyang kapatid na may caption na “di naman masakit” at makikitang walang diploma si John.

 
Sa sumunod naming video na binahagi ng Celene, sinabi niyang naiyak ang kanilang ina sa nangyari sa kanyang anak, bagay na kanyang pinakahihintay.


screenshot mula sa TikTok



Ang pinaka-masakit po dun ay yung itsura ng nanay ko po na kitang-kita niya na yung anak niya na pinull out sa line papuntang stage upang i-receive sana yung diploma,” pahayag ni Celene nang makapanayam ng Balita Online.
 
Pinakita din ng kapatid ni John ang proof of transaction bilang patunay na nabayaran ang paaralan isang araw bago ang mismong araw ng seremonya, Hunyo 22.
 
Sa iba pang mga larawan na binahagi ni Celene makikita na may hawak na diploma si John ngunit hiniram lamang daw ito para sa photo ops.*
 
Samantala, matapos mag viral ang video na ito ni Celene ay naglabas naman ng pahayag ang panig ng Lorma Colleges.


Proof of payment ni John isang araw bago ang graduation | screenshot mula sa TikTok



 
Ang pahayag ay nagmula kay Dr. Carol Lynn R. Macagba, ang presidente ng Lorma Colleges, na inilabas sa pamamagitan ng kanilang Facebook page.
 
"We are deeply concerned and saddened by what transpired during the recent graduation ceremony of Lorma Colleges involving one of our students," panimula ng pahayag
 
"We sympathize with the family and are currently trying to get in touch with him and/or the family to discuss and investigate what exactly happened and to ensure that this type of incident does not happen again.

 
"Lorma Colleges continues to be committed to the education of the present generation ang future generation students to come." ayon pa sa Lorma Colleges *
 
Noong Hunyo 24 ay nagkaroon umano ng paguusap sa pagitan ng pamilya ni John at ni La Union Provincial Board Member Joy Ortega.
 
Nangako si Ortega na tutulungan si John sa kanyang board exam review at gagawa ng ordinansya upang mapigilan na maulit ang ganitong pangyayari.


Pinahiram na diploma kay John para sa photo ops | screenshot mula sa TikTok


 
“Ang inyong lingkod ay tutulong sa nursing board examination review ni John, at magsusulong tayo ng ordinansa sa Sangguniang Panlalawigan para hindi na maulit ang insidenteng ito.” Ayon kay Ortega
 
Maraming netizens din ang nalungkot at nakisimpatya sa nangyari kay John sa araw na pinakahihintay sana ng kanyang nanay, ang umakyat sa entablado sa pagtatapos ng anak.

Kahit sinong magulang ay tiyak na maiiyak at malulungot sa nangyaring ito, para sa kanyang anak na pinag sikapan at itinaguyod na makatapos ng pag-aaral dala ang pag-asa na makakaahon sa hirap balang araw.