Dulot ng matinding pagod, amang delivery rider tumilapon sa kalsada sa kasagsagan ng ulan - The Daily Sentry


Dulot ng matinding pagod, amang delivery rider tumilapon sa kalsada sa kasagsagan ng ulan




Iba't ibang klaseng paghahanapbuhay ang handang pasanin at tiisin ng mga haligi ng tahanan maibigay lang ang mga pangangailangan ng buong pamilya. Kahit pa man ito'y mahirap at mabigat na trabaho o malagay man sa alanganin ang kanilang kalusugan, buong pusong itataya ang lakas para sa mga responsibilidad bilang mga Ama. 


Ngunit bilang mga Ama, naipapadama rin kaya sa kanila ang nararapat na pagpapahalaga sa bawat araw na kanilang iginugugol sa pagtatrabaho upang may pangkain ang pamilya, para may pang tuition ang mga pinag-aaral na mga anak, upang may pambayad sa iba pang mga bayarin at araw-araw na gastusin.



Isang pangyayari ang kadalasan hindi na ipinapaalam ng mga Tatay kung ano ang tunay nilang pinagdadaanan hirap sa trabaho ang bumihag sa damdamin ng mga nakakabasa sa post ng Happening in Philippines. 



Nadaanan nila ang isang delivery rider na sumemplang sa gitna ng kalsada habang kasagsagan ng malakas na ulan, dala nito ang mga pagkaing idedeliver pa niya. Bakas man na nasaktan ito sa pagkatumba at may mga gasgas, kesa unahin ang kanyang sarili mas iniisip pa nito ang mga dalang ihahatid na orders kung ayos at di tumapon. 


Isa lamang ito sa mga nararanasan araw-araw ng mga magigiting na mga Ama, ano man klaseng trabaho o hanapbuhay meron sila nawa'y palaging maibigay sa kanila ng kanilang mga asawa, mga anak at ngbuong  pamilya ang pagmamahal at simpleng pangangamusta, maliit na bagay kung tutuusin ngunit kalimitan nilang nararamdaman.


Kaya't habang may pagkakataon at panahon pa upang maibigay at maipadama ang pagmamahal at pagpapahalaga na nararapat para sa lahat ng kanilang mga pagsasakripisyo wag ipagdamot ang libreng pagpapasalamat at pagmamahal sa kanila. 



Narito ang kabuuang post: 


WALANG ASAWA ANG HONEST PAGDATING SA TRABAHO" 


Nakita namin si kuya Foodpanda Rider  na nasempl4ng sa kalagitnaan ng ulan, pero dali dali din itong tumayo nung lapitan namin, na parang walang nangyari, dahil ito daw ay may hinahabol na oras, 


Mas inisip pa nito kung okay ba ang mga pagkain na nasa loob ng kanyang motor kesa sa sa kanyang sarili, kita sa mga damit nya na puro ito g4sgas. Kaya sa mga misis dyan na laging pinag iinitan mga mister nila, TAKE TIME TO READ‼️ 


Alam mo ba na ang iyong asawa ay maaaring madalas na pagalitan ng kanyang amo? 


Alam mo ba na ang iyong asawa ay maaaring madalas na makakuha ng insulto sa labas? 


Alam mo ba na baka itinaya ng asawa mo ang kanyang buhay para sa iyo at sa iyong anak.



Alam mo ba na ang iyong asawa ay maaaring madalas na nagugutom upang makauwi na may dalang pera. 


Bago ka sumimangot sa kanya, Bilangin mo muna kung ilang milyong patak ng pawis ang kanyanh pinipisil mula sa kanyang katawan.


Bago ka magalit sa kanya, Tignan mo muna ang mga mata niya, baka hindi mo namamalayan na maraming luha na ang ilang beses natuyo


Alam mo ba na may mga bagay sya na gusto nyang bilhin pero di nya mabili dahil inuuna nya kayo. 


Walang padre de pamilya ang hindi gustong makitang masaya ang kanilang pamilya. 


Kaya ngayong darating na Araw ng mga Ama, yakapin at batiin natin sila.


***

Source: Happening in PH

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!