Direktor Darryl Yap, kakasuhan pa rin ang netizen kahit na nag-sorry na ito - The Daily Sentry


Direktor Darryl Yap, kakasuhan pa rin ang netizen kahit na nag-sorry na ito



Itutuloy pa rin ng direktor na si Darryl Yap ang pagkaso sa isang netizen na nagpatutsada tungkol sa gagawin niyang pelikula na “Maid in Malacañang,” kahit na humingi na umano ito ng sorry.
Photo credit to the owner

Sa kanyang Facebook, ibinahagi ng direktor ang screenshot ng post ng netizen na si Kim Constante kung saan pinaratangan siya nito ng kung ano-anong salita.

Aniya, simula na raw ng History Revisionism.

Simula na ng History Revisionism! Let’s go! Kung supporter ka ng pedophile-disrespectful-fake news peddler director na ‘to, paki unfriend na ko. Thanks!” ayon sa caption nang ishare niya ang isang post tungkol sa pagganap nina Cesar Montano at Diego Loyzaga bilang mag-amang Marcos sa Maid in Malacañang.
Screencap from Direk Darryl Yap Facebook post
Screencap from Direk Darryl Yap Facebook post

Hi Kim, thank you for showering my upcoming film with raging emotions, your investment of attention will surely profit my movie; but I would like to correct you, 3 points. 1. I am not a Ped0phile 2. I am not a Fake News Peddler 3. I am not to Revise the History,” saad naman ni Yap.

“Now, like what you did, let me appeal to your friends, I need the address of Kim— where she resides and where she works, I am just gonna make her realize what is really disrespectful,” dagdag pa niya.

Samantala, humingi na ng pasensya si Constante tungkol sa kanyang mga sinabi kay Yap. 

Sa hiwalay na post, inupload ni Yap ang isang screenshot na naglalaman ng apology message ng naturang netizen.

Screencap from Direk Darryl Yap Facebook post

Hi Direk. Sorry if I offended you in any way. I’m just a normal citizen sharing my thoughts and I didn’t expect na it will escalate to this,” sabi ni Constante.

“The threat and comments i’m receiving from your followers are soo crazy. Nakakaloka. I immediately took down the post na. The post is not even public. Im willing to make amends to fix this,” dagdag pa niya.

“Again, I apologize. I hope we settle this privately.”

Gayunman, tila buo na ang loob ng direktor na kasuhan siya.

Kim, idedemanda kita. Pangako,” ani Yap.


***
Source: Balita