Dennis Padilla, inulan ng batikos matapos magreact sa emotional farewell ng mga anak ni Ruffa sa tatay na si Yilmaz - The Daily Sentry


Dennis Padilla, inulan ng batikos matapos magreact sa emotional farewell ng mga anak ni Ruffa sa tatay na si Yilmaz



Mainit na naging usap-usapan sa social media nitong nagdaang linggo ang nakatutuwang tagpo ng muling pagkikita ng dalawang anak ni Ruffa Gutierrez at dating asawa nitong si Yilmaz Bektas matapos ang labing-limang (15) taon sa bansang Turkey.

Ngunit tila maraming hindi natuwa ng magbigay ng reaksyon/komento ang aktor na si Dennis Padilla matapos nitong ipost sa kanyang lnstagram ang larawan ng tagpo ng paghihiwalay ng mag-aama ni Ruffa kamakailan. 

"Most precious moments... It broke my heart.. This made me... (crying emoji)", post ng aktor sa kanyang IG. 

Dahil dito, umani ang post ng aktor ng iba't ibang sentimyento at komento matapos ilathala ng anak niyang si Leon Barretto ang isang bukas na liham kung saan isinaad niya ang saloobin sa kanyang ama.

Matatandaan na tatlong (3) araw matapos ang Father's day, June 22, ibinahagi ni Dennis sa kanyang social media account ang hindi umano pagbati sa kanya ng mga anak sa aktres na si Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia at Leon, na ngayon ay tila tinanggal na ng aktor sa kanyang Instagram.


Kaya naman hindi napigilan ng ilang netizens na ilabas ang kanilang opinyon matapos ngang i-share ng aktor ang post ni Ruffa Gutierrez.

"Naging mabuting ama ka ba? Tingnan mo muna ang sarili mo baka ikaw ang may mali," bwelta ng isang netizen sa aktor.

Dagdag pa nga isa, “Kulang lang sa pansin ‘yan si Dennis kaya ganyan.”

"Hindi dahil sa ama ka nila kaya may kalayaan kang pahiyain ang mga anak mo. Kung naging responsable kang ama baka di lalayo ang loob ng mga anak mo sayo. Noong una, nasa iyo ang simpatya ko pero sa kalaunan nakikita ko ang totoo mong ugali. Di mo man lang inisip ang mga panlalait ng mga tao sa mga anak mo basta makapost ka lang. Sana inisip mo na sa murang edad ni Julia siya ang sumusuporta sa mga kapatid niya na sana ay responsable (responsibilidad) mo. May kakayahan ka ngang magkaroon ng bagong pamilya at mga anak pero di mo inisip ang paghihirap na dinanas nila. Sa tagal ng pagpaparinig mo kahit kelan di sila nagsalita ng laban sayo. Sana pairalin mo pagiging ama. Sa dami mong anak bat ang tatlo palagi ang pinupuntirya mo," mensahe sa kanya ng isang commenter.

Hiling naman ng iba na sana ay matauhan na si Dennis sa mensahe ng open letter ng anak na si Leon.

"Hindi na bata ang Barrettos para diktahan pa ng nanay about sa pakikitungo sa tatay. It took 15 years para magkita ang mga anak ni Ruffa at tatay nila. Ni isang paninira sa anak walang narinig mula sa dating asawa ni Ruffa. Reading Leon's open letter sa tatay niya, they tried to build a bridge pero palaging sinisira ni Dennis sa mga issue na pinapalaki niya through social media interview. To the point na bashing ang natatanggap ng mga anak niya. Good thing may nagsalita na sa mga anak niya all these years. For the first time, his son called him out. Sana matauhan si Dennis," pahayag ni netizen Rjay sa comment section ni Dennis Padilla.

Narito naman ang bukas na liham na isinulat ni Leon para sa kanyang ama:

Dear Papa,

I’ve been contemplating whether I should write this to you and if this is even the best way to do so. But it seems that social media is your preferred way to reach us, so maybe I can try it too.

“Sorry if I wasn’t able to greet you a ‘Happy Father’s Day: It’s always been an awkward day for us cause we never seem to know where we stand with you every year. I’ve always envied people who never even have to think twice about greeting their dads a ‘Happy Father’s Day!

For the past 10 years, we have been trying so hard to slowly rebuild the bridge you continuously burn every time you talk about our private matters in your press cons, interviews, and social media. Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public? Why do you keep posting cryptic posts about us and allow people to bash us on your own Instagram page? Do you think it does not pain all of us to not feel protected by their own father? It’s not that we don’t want to talk to you, but the few times that we do to resolve the issues, you communicate by shouting, cursing, and using hurtful words that traumatize us.

Is public sympathy really more important to you than your own children? Your words have the power to destroy your children, papa.

For years I watched my sisters get torn into pieces because of your false narratives and not once did they ever explain their side nor speak negatively about you in public. It’s exhausting, papa. As the only man in the family, this is me stepping up to protect my sisters.

I need you to know that I want nothing else but to move forward in the safest and healthiest manner possible. I want peace, papa. Can you please stop resorting to public shaming when things don’t go your way?

I long for the day when I can greet you a ‘Happy Father’s Day’ and know that it comes from a place of gratitude and healing.

Leon


Source: 1