Dalagang may 'Quarter Life Crisis', ibinahagi ang masalimuot na pinagdaan - The Daily Sentry


Dalagang may 'Quarter Life Crisis', ibinahagi ang masalimuot na pinagdaan



Photo by Kaesha Mae Ocampo | Facebook

Sa panahon ngayon, hindi maiiwasan ang napakadaming expectations ng mga tao sa paligid natin lalo na pag tumuntong ka na sa 'adulthood'. Hindi man hayag sa madami, ngunit napakaraming mga kabataan ngayon ang pinagdadaanan ang 'quarter life crisis'.



Ayon sa lisensyadong psychologist na si Rachel Needle, ito ay stress na nararanasan tuwing  nakakaramdam ang isang tao ng kawalan ng katikayakan na madalas nattrigger sa mga oras na inaalam nila kung sino sila at kung ano ang gusto nila. 

Sa isang bukas na liham, ibinahagi ni Kaesha Mae Ocampo ang kanyang nakakaantig at nakaka-inspire na mensahe para sa mga tulad niya na pinagdaanan/pinagdadaanan ang ganitong sitwasyon.

"AKALA KO KAPAG TAPOS KANA OKAY NA LAHAT"

— an Open Letter to you struggling and having a Quarter Life Crisis like me 

Hindi ko maiwasang maging emosyonal or maiyak nang minsan madaanan ko sa bahay itong picture ko na nakasabit sa sulok 3 years ago after ko makapagtapos ng 6 na taon. (Dalawang beses kasi nagcollege ang lola nio)

Kala ko, smooth na after two decades of learning in a formal school. Na magiging madali dahil hinanda ka naman ng school. Pero nagkamali ako kabaligtaran ang nangyari. Yung mga inaakala mong plano mo after na makapag tapos ka. Ibang iba sa totoong buhay.

 
Pinaasa ako ng mundo. Na kapag maayos grado mo sa college puro awards at active sa mga activities. Isa ako sa mga unang sumuko both mental, emotional and physical hindi lang halata siguro dahil kwela tayo. 
Sinaktan ako ng katotohanang kapag nakapagtapos kana matutulungan muna pamilya mo, mabibigyan mo sila ng simpleng regalo tuwing sasapit ang espesyal na kaarawan nila. At mabibilin ko ang pangangailangan sa loob ng bahay. Kung gaano ako kabibo nung college. kabaliktaran ng nangyari, nawalan ako ng motivation. 
Bago pa mag lockdown naranasan kong dumayo saan-saan makipagsapalaran, makapag apply lang. Mag isa kang lalakad habang bitbit yung rejections ng mga companies. But at the end of the day laban parin. Ganon talaga di lahat para sayo.

I felt lost. Masakit, yung akala pa minsan ng ibang tao mo tamad ka, wala kang ginagawa, na ang arte mo namimili ng trabaho.

Mga tanong na
“25 kana wala ka pang work? “
“Anong plano mo?”
Na napakasakit kahit hindi mo kasalanan. Bakit nga ba andito pako.

Hindi ako tinigilan ng mga araw na kinukumpara ang sarili sa iba habang nagaantay ng tawag ng mga HR: 



“Bakit si ganto nasa abroad na”
“Bakit si ganyan may kotse na”
“Bakit si ano may bahay na”
“Bakit si ganto maayos na buhay”
‘Tapos ako, ligaw — nasa pagitan ng kawalan at walang kasiguruduhan.

Photo by Kaesha Mae Ocampo | Facebook
Sa ilang taon ring ito, dun ko natutunang magantay. Kahit gaano katagal. Kahit gaano kahirap. Natutunan kong hindi ko karera ang karera ng sino man. Natutunan kong ang buhay ay hindi naman nasusukat sa kung sino ang mayaman ngunit kung sino ang payapa.

Natutunan kong huwag ikumpara ang aking sarili sa iba. Kahit magisa, kahit madilim, kahit araw araw kang matutuksong sumuko sa lungkot na nasa iyong isipan — tinatanong ang sarili, “Nasaan ka na?”

 
Napakalaking bagay na may tiwala tayo sa Kanya. Sa Diyos na kailanman hindi ako pinabayaan. Yung hindi lang ako nagkasakit ng malala isang pasasalamat kuna at natutunan ko na mas masaya yung plano Niya na matupad sa buhay ko. Hindi yung plano ko lang na patuloy lang akong sasaktan.

Hindi na ako takot sa mga susunod pang araw, taon. Nagsisimula ulit ngunit mas handa na lumaban at pinatibay na.



Tulad ko, darating rin ang iyong panahon. Kung kagaya man kita. Kapag Langit na ang tumugon, lahat ng bagay sa’yo, sasang-ayon. Aani ka sa tamang panahon, gawin mo lang yung bagay na makapag lulugod sa Lord. Mga Pagpapalang hindi mo inaakala!

Isaiah 58:11 
The Lord will always lead you. He will meet the needs of your soul in the dry times and give strength to your body. You will be like a garden that has enough water, like a well of water that never dries up.

Source: 1