Branch Manager ng malaking Bangko, inireklamo ng depositor dahil umano sa mga "ūnäuthorized withdräwals" - The Daily Sentry


Branch Manager ng malaking Bangko, inireklamo ng depositor dahil umano sa mga "ūnäuthorized withdräwals"




Tiwala!


Isa ito sa pinakarason ng mga indibidwal kung bakit mas pinili nilang magbukas ng kanilang mga bank accounts sa mga kilalang financial institutions ay upang doon nila mailalagay  at ipagtitiwala ang kanilang pinaghihirapang yamang pera umaasang ito’y kahit papano'y lumago at higit sa lahat secured at ligtas sa pangangalaga ng mga tauhan ng bangko. 


Ngunit ang buong pagtitiwala na ang bawat sentimo na idinideposito ay buo at wala ni sentimong bawas ay naging bangungot ng isang depositor mula umano sa pamumuno ng isang branch manager ng kilalang malaking Bangko dito sa bansa.



Ibinahagi bilang pagbibigay babala sa publiko ni Argem Sambillon sa mga kapwa niyang depositor ng Bank of the Philippine Island o ng BPI ang nakakatraumang ginawa umano ng mismong Bank Manager - Cebu City Branch sa kanilang mga iniipong pera.




"When you think your money is safe sa bank...Think again," ani Argem 


"Unauthorized withdrawals made by this Senior BM [Branch Manager] ng BPI Cebu," ito ang nakakatakot na pahayag at alegasyon ni Argem mula sa kanyang social media post matapos niyang malaman nakuhanan na pala siya ng malaking pera mula sa kanyang mga deposito.  


Isa sa mga proseso ng bangko upang masigurado na secured at tanging ikaw lamang ang makakagalaw o makakawithdraw ng pera mula sa iyong bank account, kinakailangan ang iyong eksaktong pirma, kalakip ang ilang mga impormasyon mula sa kanilang withdrawal slip. 


Ito rin mismo ang pagtataka ni Argem sa kung paano umano silang nagawang manakawan ng pera mula sa kanilang account. 




"Anong silbi ng signatures sa withdrawal slips if nagagalaw at na-access ng empleyado niyo mga accounts at nakakapag-withdraw pa," 


Patuloy at walang humpay ang pagpapatibay ng mga bangko sa kanilang mga account security features upang maproteksyonan ang kanilang mga kliyente maging ang kanilang mga pera, subalit naglipana rin ang mga manloloko ngayon online, lahat gagawin malimas lang lahat ng iyong pinaghirapang pera. 


Mas mahirap na kung kagaya sa alegasyon ng isang depositor na ang mismong nagtatrabaho sa Bangko naman ang gumagawa ng kababalaghan at tila silaw sa pera ay baliwala rin ang lahat. Kaya kailangan parin mapagmatyag at ugaliing mag check ng mga transactions at sundin ang mga security advice ng mga bangko upang makaiwas sa mga panloloko.


Narito ang kanyang kabuuang post:





When you think your money is safe sa bank...Think again. Unauthorized withdrawals made by this Senior BM ng BPI Cebu. Anong silbi ng signatures sa withdrawal slips if nagagalaw at na-access ng empleyado niyo mga accounts at nakakapag-withdraw pa.


GALING NG SECURITY NG BPI! P0NZI UNDER YOUR NOSE,DI NYO NAHAGIP.FOR BPI ACCOUNT HOLDERS NA NASA SA CEBU..CHECK YOUR PASSBOOKS AND DEMAND FOR INSURANCE PARA SA MGA ACCOUNTS NA GINALAW NYANG SI Joy Angelie Teves-Go . 


#BPICebuSc@m Kahit makulong ka ng 100 daang taon yung damage na ginawa mo samin di mo ma-aayos. Napakaraming pera ang nakuha mo samin na dapat umiikot sa bangko/economy. Karma is not enough. And BPI is hiding this incident sa public.


Nakapag-bail ka na pala. Napakahina ng kaso ni BPI seo."


#R.A. 8791

#bpi

#cebu

#joyangelietevesgo 


***

Source:  Lite Radio Cebu

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!