Binata, winakasan ang buhay dahil sa pananakot ng inutangan niyang loan apps - The Daily Sentry


Binata, winakasan ang buhay dahil sa pananakot ng inutangan niyang loan apps



Dahil sa pand3mya, marami ang nawalan ng trabaho at hanap-buhay. Kanya-kanyang diskarte ang bawat isa upang kahit papaano ay may maipambili ng pagkain at ipangtustos sa pangangailangan ng pamilya.
Photo credit to the owner

Isa ang binatang si Jake Albay sa libong-libong mga nawalan ng trabaho ngunit dahil sa tulong ng kanyang kaibigang si Neru Sanchez, nakapag-apply siya sa Japan upang maging isang OFW.

Maayos naman ang lahat dahil naging mabilis ang pag-aayos ni Jake ng mga dokumentong kailangan sa kanyang pag-alis.

Ngunit isang kagimbal-gimbal na pangyayari ang dudurog sa puso ni Neru at sa pamilya ng kanyang kaibigan.





Sa kasamaang palad ay winakasan (nagbigti) ni Jake ang kanyang buhay dahil umano sa pagkakaroon ng malaking utang sa isang loaning apps. 

Hindi umano alam ng buong pamilya ni Jake na mayroon itong utang. Maging ang kanyang ate at nanay na mga OFW sa Dubai ay walang kaalam-alam.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ayon sa ate ni Jake, nakapag-usap pa sila isang gabi bago umano mangyari ang lahat.

“Mahal na mahal kita ate pati kayo ni mama at papa huwag na huwag mo silang pababayaan,” huling mensahe umano ni Jake sa kanyang ate.

Hindi akalain ng ate ni Jake na iyon na pala ang huling mensaheng matatanggap mula sa kapatid.

Matapos ang pangyayari, may iniwang sulat at simcard si Jake kung saan mababasa ang lahat ng mensahe patungkol sa isang loaning apps.

Tinatakot at pinagbabantaan ang buhay ng binata kapag hindi ito nakapagbayad sa kanyang utang.

Ayon sa sulat, nasa halagang P3,000 pesos lamang ang utang ni Jake ngunit lumaki ito ng lumaki dahil sa interest hanggang sa hindi na niya ito kayang bayaran.

Tuloy-tuloy ang pagbabanta sa buhay ni Jake na naging dahilan umano ng kanyang p@gkitil sa sariling buhay.

Labis ang pagkabigla at panghihinayang ng buong pamilya at mga kaibigan ni Jake sa pangyayari.

Payo ng mga kaibigan ni Jake, sana ay maging babala ito sa mga taong gustong sumubok magloan gamit ang loaning apps.

Narito ang ilang mga halimbawa ng pananakot at pagbabanta na ipinapadala ng mga loan apps.










***
Source: We Are Pinoy