Sawa ka na ba at pagod nang maghintay kung kailan darating ang iyong “the one” na makakasama mo sa buhay? O di naman kaya ay gustong-gusto mo nang magpakasal pero wala ka naming jowa?
Isang babae sa India ang nagdesisyong pakasalan ang kanyang sarili dahil pagod na siyang maghintay para sa tamang tao.
Ayon sa isang video na nakuha ng GMA News Feed, napagod na daw si Kshama Bindu sa paghahanap ng lalaking magiging boyfriend niya kaya pinili niyang pakasalan ang kanyang sarili kahit ito ay tutulan ng isang pro-Hindu political party sa kanilang bansa.
Ginawa ng kontrobersyal na 24-anyos na si Kshama ang mga tradisyonal na Vedic rituals, o tradisyon sa kasalan ng mga Hindu.
Unang naitakda ang kasal ni Kshama sa kanyang sarili noong Hunyo 11 ngunit umurong ang pari at kinansela pa ng templo ang kanyang reservation kaya hindi ito natuloy.
Dahil dito, itinuloy niya ang kasal sa kanyang bahay ngunit wala rin naman itong pinag iba sa kasal ng Hindu dahil ginawa rin naman niya ang lahat ng ritwal nang naaayon sa tradisyon.
Sa araw ng kanyang kasal ay nakasuot si Kshama ng tradisyonal na red sari na pang kasal, nagsagawa siya ng pitong pheras — ang sagradong paglalakad sa paligid ng banal na apoy — habang nakatingin ang kanyang mga nakangiting kaibigan. *
"My life is not going to change after this marriage, and that is why I've always wanted to become a bride and not a wife," ayon kay Kshama sa video na kanyang binahagi sa Instagram
Sa video na kanyang binahagi, sinabi din ni Kshama na nais niyang maging inspirasyon sa mga pagod nang maghanap ng true love.
Nag ginawang ito ni Kshama ay tinutulan ng pro-hindu political party na Bharatiya Janata Party, sa ginawa ni Kshama. Labag umano sa paniniwala ng Hinduism ang ginawa niya.
"I'm against the choice of venue, she'll not be allowed to marry herself in any temple. Such marriages are against Hinduism. This will reduce the population of Hindus. If anything goes against religion then no law will prevail," ani Sunita Shukla, isang lider ng Bharatiya Janata Party
Napag-alaman na isang bisexual si Kshama, na niniwala na siya ang kauna-unahang "sologamist" ng India.
Ang Sologamy ay isang seremonya ng kasal kung saan ang mga tao ay nagpakasal sa kanilang sarili.