Babaeng hindi umano natanggap sa trabaho dahil sa kanyang mukha, gumastos ng P1.3M sa pagpaparetoke - The Daily Sentry


Babaeng hindi umano natanggap sa trabaho dahil sa kanyang mukha, gumastos ng P1.3M sa pagpaparetoke



Hindi maikakailang napakahalaga ng ating itsura o panlabas na anyo upang kahit papaano ay makamit at maabot natin ang ating mga pangarap sa buhay.
Joylyn Cachin / Photo credit to the owner

Bukod sa pagiging masipag at matiyaga, minsan ay nakakatulong din kung may maayos tayong mukha at katawan upang mas madaling makahanap ng trabaho.

Sa panahon kasi ngayon ay mas madaling makahanap ng trabaho kapag ikaw ay maganda, gwapo at matangkad. 

Madalas kasing nagiging basehan ang panlabas na anyo ng isang tao kung ano ang ugali at kaya nitong gawin.
Joylyn Cachin / Photo credit to the owner
Joylyn Cachin / Photo credit to the owner

Katulad na lamang ni Joylyn Cachin na nare-reject raw sa trabaho dahil hindi siya maganda.

Sa programang “Pinoy MD,” ipinakita ang larawan noon ni Joylyn, na 40-anyos na ngayon. 

Aniya, naranasan niya noon ang husgahan at ma-reject dahil sa kanyang hitsura.

Kwento niya, maraming beses na siyang tinanggihan sa mga trabahong inaaplayan. Aniya, naniniwala siyang may kinalaman ang kanyang hitsura kaya hindi siya natatanggap.
Joylyn Cachin / Photo credit to the owner
Joylyn Cachin / Photo credit to the owner

“Ilang beses na rin kasi akong natanggihan dahil sa pagmumukha ko. Ilang beses na rin akong hindi natanggap sa trabaho before dahil sa katawan at sa hitsura ko,” sabi ni Joylyn.

Yung mga kasama ko na nag-apply na magaganda eh natanggap sila. Ako eh hindi ako maganda, so alam mo na kung anong ibig sabihin nun,” saad niya.
Joylyn Cachin / Photo credit to the owner
Joylyn Cachin / Photo credit to the owner

Madali kasi yung buhay pag maganda ka, reality yun!” dagdag pa niya.

Kaya naman nagsikap at nag-ipon si Joylyn para iparetoke at gumanda ang kaniyang hitsura. Ilang beses na siyang sumalang sa iba’t ibang uri ng cosmetic surgery.

Nangyari ang unang cosmetic procedure ni Joylyn noong 2016 at ang ilong na pango ang kaniyang pinaka unang ipinaayos.
Joylyn Cachin / Photo credit to the owner
Joylyn Cachin / Photo credit to the owner

Pag matangos ang ilong mo maganda ka raw. So yun, ura-urada yun nagpa-schedule talaga ako ng rhinoplasty,” sabi niya.

Matapos raw ang kanyang pagpaparetoke ng ilong, napapansin na raw kaagad siya ng ibang tao.

Pagkaraan nito, taon-taon ay may ipinapaayos na si Joylyn sa kaniyang katawan. Katulad pagpapalagay ng dimple, nagpa-botox, nagpaalis ng kaniyang double chin, nagpadagdag ng dibdib at nagbawas ng tiyan at braso, at nagpaayos muli ng ilong.
Joylyn Cachin / Photo credit to the owner
Joylyn Cachin / Photo credit to the owner

"Nakakaadik ang pagpaparetoke. Real talk 'yan," saad niya. 

"Gaya niyan, na-appreciate ko ang ilong ko ang ganda, humananap na naman ako kung ano yung mali sa katawan ko. Doon ko naramdaman na ang ganda palang maging maganda. Ang sarap ng pakiramdam," sabi ni Joylyn.

Sa dami ng naipagawa ni Joylyn sa kanyang katawan, umabot na raw sa P1.3 milyon ang kaniyang nagastos.

Joylyn Cachin / Photo credit to the owner
Joylyn Cachin / Photo credit to the owner

Hindi naman siya nagsisisi sa kaniyang ginawa dahil para naman daw iyon sa ikagaganda ng kaniyang buhay.

“Hindi ako nagsisisi dun sa P1.3M ko na yun kasi kung makita mo ako sa personal noon at tsaka sa ngayon sobrang laki ng pinagbago ko din talaga,” saad niya.

Gusto ko kasing gumanda yung buhay ko eh. Kung may paraan nga at alam mong yung paraan na yun eh ikagaganda ng buhay mo eh bakit hindi natin gagawin?” dagdag niya.

Panoorin ang video sa ibaba:


***
Source: Pinoy MD