Anak ng magsasaka at tindera, nasungkit ang Full scholarship mula sa prestihiyosong Unibersidad sa Amerika - The Daily Sentry


Anak ng magsasaka at tindera, nasungkit ang Full scholarship mula sa prestihiyosong Unibersidad sa Amerika




Walang ibang hangad lahat ng mga magulang kundi ang maibigay ang kanilang buong kakayanan para sa magandang kinabukasan ng kanilang mga anak. Ngunit dahil sa kahirapan ng buhay, marami sa mga magulang na kahit gusto mang gawin ang lahat mapagtapos lang ang mga anak ay ang hindi na kayang maipagpatuloy pang tustusan ang pagpapaaral nito sa kolehiyo. 


Tunay rin na nakakamanghang makita mula sa mga anak na kahit pa sa kasalatan ng pamilya ay patuloy na pinanghahawakan ang dedikasyon sa kahalagahan ng edukasyon. Pinatunayang hindi ang kahirapan ang makakasupil sa kanilang matayog na pangarap.



Ito ang kwento na bumihag sa puso ng mga netizens dahil sa hindi pagsuko ng isang estudyanteng laking probinsya at anak ng magsasaka sa kanyang hakbang na tatahakin patungo sa tagumpay. 




Hindi mapantayan ang abot langit na tuwa't saya sa mga mata ng mga magulang ni Gelbert Crecenscio mula Talibon Bohol, matapos siyang makapasa at magawaran ng isang full scholarship mula sa Amherst College in Amherst, Massachusetts, USA, isa sa mga pinakakilala at prestihiyosong Unibersidad sa buong mundo.


“First word ko po na nabasa is ’yung congratulations po, pero hindi ko na binasa lahat nung letter, tumakbo na lang po ako palabas ng bahay ’tsaka sinabihan ko yung mama ko tapos nag iyakan kami" 


Makakatanggap siya mula sa kanyang scholarship grant ng tumataginting na USD85,000 o halos P4.2 million para sa kanyang pag-aaral kasama na ang kanyang libreng tirahan. 


Maliban sa Amherst Collgee, pumasa at tanggap din si Gelbert ng scholarships mula sa Temple University sa Pennsylvania, Heidelberg University sa Germany, at sa St. Thomas Aquinas College sa California.



Isang magsasaka at namamasada bilang tricycle driver ang kanyang Tatay na si na si Edilberto Crecenscio at namamsukang waitress at tagabantay ng tindahan ang kanyang Nanay na si Gertrudes, na halos nagtatrabaho ng 14-hours kada-araw.


"Hindi ko niminsan narinig na nagreklamo ang aking mga magulang tungkol sa kung gaano na sila ka pagod. Kaya, nais kong tulungan ang aking pamilya, upang mabayaran ang lahat ng mga utang at maibigay ko sa kanila ang buhay na tunay na nararapat sa para sa kanila," aniya.  


Kukuha si Gelbert ng undergraduate degree sa Nuerosciences bilang paghahanda makapag-aral sa Medical School sa Estados Unidos upang tuparin ang pangarap niyang maging neurosurgeon at neuroscientist. 


Malaking papel din ang sakit ng kanyang Lolo na Ã¢lzheimer's disëase na naging sanhi ng pagkawala nito sa kanyang napiling propesyon.




“His illness and death had deepened my interest and passion for neurosciences. I want to integrate engineering principles to create a device that can detect the early onset of Alzheimer’s disease and also create a cure.”  


Mula sa halos 5,000 na mga aplikanteng estudyante sa buong mundo, isa si Gelbert sa 118 na pinalad na makapasa at matanggap sa nasabing unibersidad. Nagtapos siya ng kanyang Senior High School sa Holy Name University, Tagbilaran City. 


Aminadong sobrang hirap ng kanilang pamumuhay sa probinsya, kaya laking tuwa ng buong pamilya nang matanggap ang isang napakagandang balita para kay Gelbert. 



Bunso sa tatlong magkakapatid si Gelbert, at parehong nakapagtapos na din sa kolehiyo ang mga ito. Nabaon din sila sa mga utang at loans para may maipambayad sa tuition ng kanyang mga kapatid, hangga't lumobo na mga ito at nagkandapatong-patong na ang mga interest.


Dagdag pa niya na hindi siya kailanman pinilit ng kanyang mga magulang upang ibuhos ang kanyang buong panahon sa pag-aaral. Pagkukusa daw niyang ginawa ang lahat ng mga ito upang kanyang masuklian at hindi masasayang ang lahat ng kanilang pagod at paghihirap sa paghahanapbuhay para kanilang magkakapatid. 


Pangako naman ng kanyang mga magulang na handa nilang gawin ang lahat at hindi sila titigil sa pag-suporta sa pangarap ng kanilang anak. 


Ibinahagi din ni Gelbert na nais niyang bumalik at magsilbi sa sariling bayan pagdating ng panahon. 



“I have observed a lot of systemic weaknesses in provincial healthcare, and this I think is very important to solve. So I hope to pursue medical school where I can train and become one of the best neurosurgeons in the Philippines and hopefully give back to the community,” aniya.


Kabilang sa mga graduates sa itinuring na 'dream school' ni Gelbert ay ang poet na si Emily Dickinson, former U.S. President Calvin Coolidge, Albert II na Prince of Monaco, at ang international best-selling author na si Dan Brown.


***

Source:  GMA News

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!