Alagang aso bakas ang lungkot sa pagpanaw ng kanyang amo, nakaabang at naghihintay lamang sa higaan nito - The Daily Sentry


Alagang aso bakas ang lungkot sa pagpanaw ng kanyang amo, nakaabang at naghihintay lamang sa higaan nito




Iba magpakita ng pagmamahal ang mga alagang hayop lalong-lalo na ang mga Aso, sobrang sweet, malambing at tapat sa kanyang mga amo.


Pinaluha ang puso ng mga netizens sa isang kuhang video tungkol sa isang alagang aso na bakas ang lungkot habang nakatayo at nag-aabang lamang sa gilid ng papag na hinihigaan ng kanyang yumaong amo. 


Masakit man para sa mga tao ang mawalan ng mga pinakamamahal na mga alaga, ngunit mas batid rin ng mga alagang hayop ang pangungulila nila pag sila ang tuluyang naiwanan ng kanilang mga mahal na amo. 



Kwento ni Rabin Canuzo hindi niya mapigilang hindi masaktan at maluha sa kanyang nasaksihan sa alagaang aso habang nasa loob ito ng kwarto ng kanyang ama na kamakailan lamang ay sumakabilang buhay na. 



Sa ibinahaging video clip ni Rabin, makikita ang kanilang alagang aso na si 'Jeremy' na malungkot at nakabantay sa gilid ng papag ng ama kung saan doon sila noon palaging magkatabing nakahiga.


“Our senior dog 'Jeremy' loves to nap near my dad who passed away recently, and then I saw this and it broke my heart. I ugly cried," ani Rabin. 


Parte na ng pamilya nila Rabin si Jeremy na higit pitong taon na nilang alaga. Itinuturing din ito bilang bunsong anak ng kanilang Tatay. 


“Dad spoiled Jeremy. 'Yong tipo na siya pa ang unang nakakatikim ng pandesal sa umaga bago kami. My dad is 86... lagi siyang sinasabayan ni Jeremy matulog," 





"You can always tell that he's missing Dad as well,” 


Napukaw ang puso ng karamihan lalong-lalo na ang mga certified fur-parents sa ipinakitang tapat at malalim na pagmamahal ni Jeremy sa kanyang amo. 


***

Source: Rabin Canuzo

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!