Pinapupurihan ng mga pasasalamat at paghanga ang ibinahaging tagumpay ng isang abogado na si Atty. Juril Broka Patiño matapos niyang maipanalo ang kaso ng tatlong magsasaka na hindi na nanghihingi ng bayad bagkus ay kusang loob niyang ibinigay ang kanyang buong serbisyo pagdating sa pagiging eksperto nito sa mga batas upang tulungan ang walang kalaban-laban na magbubukid.
Walang masidlan ng saya at malaking ginhawa sa kalooban ang nararamdaman ng tatlong magbubukid na sina Mang Genaro Pepito, Mang Bernabe Pasay at Michael Pepito na sinampahan ng kasong trespassing at nakulong ng 4 na araw sa selda.
Hulog ng langit para sa kanila ang kabutihang ginawa ni Atty. Juril sa kanila na dahil sa sobrang awa iprenisenta ang kakayanang matulungan ang tatlo sa kaso ng walang hinihinging kapalit.
"Ito rin ang rason ng aking pagkusang loob at nagpresenta bilang maging abogado nila sa kaso dahil naaawa ako sa kanilang kalagayan at libre ko nang ibinigay sa kanila ang aking serbisyo,"
Wala man silang kakayanan mag-abot ng pinansyal na pasasalamat sa abogadong nagligtas sa kanila sa posibleng tuluyang pagkakulong at multa ay minabuti nilang bigyan ito ng kanilang mga tanim gulay at ibang mga ani at mga native chicken.
"Bilang pasasalamat nila sa akin, binigyan nila ulit ako ng kanilang mga makakaing mga pananim at native chicken,"
"Malaking ang tuwa ko na natulungan ko sila sa kanilang problema. Mag-ingat kayo palagi Tatay Genaro at Tatay Bernabe at sayo dong Michael. Gabayan nawa kayo palagi ng Panginoon. To God be the Glory,"
Marami parin ang mga taong may taos pusong tumulong sa kapwa lalo na sa mga mas nangangailangan at sa mga walang kakayanang ipaglaban ang kanilang mga sarili, kalimitan ay minamaliit nalang ng mga taong mababa ang tingin sa kanila.
Narito ang buong post ni Atty. Juril Broka Patiño:
Pinal ng ibinasura ang kaso laban sa tatlong mga magsasaka mula sa Brgy. Mulao, Liloan na sina Genaro Pepito, Bernabe Pasay at Michael Pepito na humarap sa kasong trespassing na isinampa laban sa kanila, matapos silang magtrabaho at magpunla ng tanim sa isang lupain na ipinapagawa lang naman din sa kanila ng nagpakilalang may-ari ng lupa at pinangakuang babayaran sila ngunit meron pa lang ibang nagmamay-ari ng lupa na kanilang sinasaka at ito'y nagresulta sa kanilang pagkakulong ng apat na araw.
Ito rin ang rason ng aking pagkusang loob at nagpresenta bilang maging abogado nila sa kaso dahil naaawa ako sa kanilang kalagayan at libre ko nang ibinigay sa kanila ang aking serbisyo.
Matapos ang ika-apat na pagdinig ng kasong inihain laban sa kanila, kanina sa MCTC, Liloan, tuluyan ng nadismiss ang kaso. At bilang pasasalamat nila sa akin, binigyan nila ulit ako ng kanilang mga makakaing mga pananim at native chicken. Tinanggap ko ang mga sari-sari nilang mga aning pananim, pero hindi ko na tinanggap pa ang manok bisaya dahil maliban sa baka mangangamoy manok na ako katagalan, natatakot rin ako baka tutubuan na ako ng pakpak kakakain ng manok bisaya.
Malaking ang tuwa ko na natulungan ko sila sa kanilang problema. Mag-ingat kayo palagi Tatay Genaro at Tatay Bernabe at sayo dong Michael. Gabayan nawa kayo palagi ng Panginoon. To God be the Glory.
***
Source: Atty. Juril Broka Patiño
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!