Ang pagiging ina ang isa sa maituturing na pinakamahirap na tungkulin ng isang babae. Maraming babaeng propesyunal pero iba pa rin ang hirap at sakripisyo ng isang ina.
Ang pag-aaruga at kapakanan ng kanilang mga anak ang unang una sa prayoridad nito, pero paano kung kasabay ng mabigat na resposibilidad na ito ay kinakailangan pa nilang mag hanapbuhay?
Isang ina mula sa Russia malamang ang makakasagot sa mabigat na katanungang ito. Larawan ng nanay na ito kasi ang kumakalat sa internet na dala-dala ang kanyang mga anak habang nagtatrabaho sa isang courier service company.
Ang nasabing dakilang ina, ay si Lada Koroleva. Sa murang edad nito na 19 taong gulang ay mayroon na siyang dalawang anak at nagtatrabaho bilang 'delivery girl'.
Lada Koroleva | ctto
Lada Koroleva | ctto
Dahil sa dami ng naantig sa mga larawan ni Lada ay marami ang nagsiyasat sa kwento sa likod ng mga litrato nito.
Sa isang lugar na malayo sa siyudad ng Russia naninirahan si Lada at ang kanyang pamilya. Bagamat mayroon ng asawa't mga anak, ang asawa ni Lada ay lulong pa rin sa paglalaro ng video games sa bahay at tila walang balak sustentuhan ang pamilya nito.
Lada Koroleva | ctto
Lada Koroleva | ctto
17-anyos pa lang ito nang isilang ang kanyang panganay, ngunit matapos ang ilang buwan ay kinailangan na niyang magtrabaho agad para matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Sa puntong ito nagsimulang pagsabayin ni Lada ang pagiging ina at paghahanap-buhay. Sakay ng stroller ang baby niya habang ito'y nagdedeliver ng mga pagkain sa customer.
Hanggang sa maging dalawa na ang anak niya ay ganito pa rin ang sitwasyon nito at sa naturang kumpanya pa rin siya nagtatrabaho.
Lada Koroleva | ctto
Lada Koroleva | ctto
Dito na siya lalong nahirapan, physically at financially. Hindi naman nito magawang kumuha ng kasambahay o magbabantay sa kaniyang mga anak dahil hindi sasapat ang kinikita nito pampa-suweldo.
Ang mga larawang agaw atensyon sa social media ang naging daan upang mabigyang atensyon ang pagsisikap ni Lada at kahit papaano'y nabawasan ang kanyang pinansiyal na pasanin dahil sa mga mabubuting loob na tumulong sa kanya.
Lada Koroleva | ctto
Lada Koroleva | ctto
Gayunpaman, batid nito na hindi pang habangbuhay ang kasalukuyang tulong na natatanggap maging ang kanyang pinapasukang trabaho.
Hangad nito na makahanap ng mas regular na trabaho sa tamang panahon, kung saan ay mas maayos na niyang maaalagaan ang kanyang mga anak at ng mas komportable sa kanilang tahanan.
Masdan ang ilan pang mga larawan na sumasalamin ng pagiging isang dakilang ina.
Good Times | Facebook
Good Times | Facebook
Source: Good Times | Facebook