"Yun lang yon?" Ogie Diaz, umalma sa naging sagot ng CebuPac sa isyu ng pilotong may alegasyon laban kay VP Leni Robredo - The Daily Sentry


"Yun lang yon?" Ogie Diaz, umalma sa naging sagot ng CebuPac sa isyu ng pilotong may alegasyon laban kay VP Leni Robredo




 


Malinaw na hindi nagustuhan ng komedyanteng si Ogie Diaz ang paraan ng pagtugon ng Cebu Pacific sa kaso ng piloto na nag post kamakailan ng kanyang saloobin ukol sa di umano'y pagpapa- divert ng ibang flights ni Vice President Leni Robredo upang siya ay ma-prioritize sa Ninoy Aquino International Airport.


"Yun lang yon?" ang tugon at reaksyon ni Diaz matapos lumabas ang pahayag ng Cebu Pacific sa nag viral na post.


Dagdag pa ng komedyante at talent manager, mas nararapat sana na alisin sa trabaho ang nasabing piloto upang ito ay magsilbing babala sa iba.


Ayon sa kanya, kung ganito ang gagawin ng kumpanya ay magiging maingat na ang mga ito sa kanilang kilos.


"Yun lang yon? Di ba dapat alisan ng trabaho para maging warning sa ibang empleyado na yung kagag*han nila ay ikakawala nila ng trabaho. Para nag iingat na next time."


Sa buradong post ng piloto, sinabi niyang si Robredo ang nagdulot ng paglilipat ng paglipad sa Ninoy Aquino International Airport noong nakaraang buwan. Ngunit ayon sa courier ay walang basehan ang piloto para sa kanyang mga sinabi. *




“Since becoming aware of the social media post by one of our pilots in reference to a flight of Vice President Leni Robredo, I confirm that the pilot has made it clear to us that he had no basis for his claim and was purely speculative and careless on his part,” ayon sa pahayag ng Cebu Pacific VP for Flight Operations na si Sam Avila


“While the pilot posted his commentary on his own accord, a post he has since removed, on behalf of Cebu Pacific, and as Head of our Pilot Group, I take command responsibility and apologize unreservedly to the Vice President and the general public for the actions of our pilot,” dagdag ni Avila


Samantala, itinanggi naman ng opisina ng Bise Presidente ang alegasyong ito ng piloto


Larawan ni VP Leni Robredo habang namamalantsa ng toga ng anak na si Jillian


“During her entire tenure as Vice President, VP Leni has never asked to be prioritized for taking off or landing when traveling by air. Any claim to the contrary is a lie,” ayon pa sa pahayag