Vegetable vendor, panalo bilang Mayor ng Dolores, Samar; Tinalo ang isang doctor - The Daily Sentry


Vegetable vendor, panalo bilang Mayor ng Dolores, Samar; Tinalo ang isang doctor



Nakamit ng market vendor na si Rodrigo Rivera ang tagumpay matapos n'yang talunin sa mayoral elections race ang katunggali na si Dr. Zaldy Carpeso sa Dolores, Eastern Samar.
Mayor Elect Rodrigo Rivera / Photo credit to the owner

Dating punong barangay si Rivera bago nagtinda ng mga gulay sa palengke ng Dolores. 

Kasama ang kaniyang pamilya, inikot ni Rivera ang mahigit 40 barangay para manuyo ng mga botante. 

Kuwento ng bagong alkalde, naging mahirap ang kanilang pangangampanya dahil minsan, nakikikain na lang sila sa mga kaibigan sa barangay na pinupuntahan.

Si Rivera ay nakakuha ng botong 11, 508  laban kay Dr. Zaldy, kapatid ng incumbent Mayor sa nasabing lugar, na mayroong 10, 946 votes. 
Mayor Elect Rodrigo Rivera / Photo credit to the owner
Mayor Elect Rodrigo Rivera / Photo credit to the owner

Hanggang second year 
high school lamang ang natapos ni Rivera dahil kapos sa pera ang kanilang pamilya.

"'Di ako nakatapos dahil sa kahirapan dahil ang nanay ko, ang pamilya ko ay magsasaka, nagtatanim ng gulay-gulay. Mahirap na mahirap kami,” sabi ni Rivera.

Ang kanyang asawa ay mananatili umanong labandera kahit na siya ay mayor na.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ang tanging programa niya ay ang makatulong sa mga mahihirap na makaahon at tiniyak rin niyang bukas sa lahat ang munisipyo.

Plano rin ni Rivera ang magpatayo ng public hospital dahil nasa 60 kilometers ang layo ng government hospital sa kanilang lugar.

Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner


***
Source: Esquire