Sanggol, inilagay sa batya ng kanyang ina habang gumagawa ng gawaing bahay - The Daily Sentry


Sanggol, inilagay sa batya ng kanyang ina habang gumagawa ng gawaing bahay



Nag-viral sa social media ang larawan ng isang sanggol na inilagay sa batya ng kanyang ina habang naghuhugas ng mga plato.
Photo credit to the owner

Sa isang article ng GMA News, ipinost ng netizen na si Dexter Cainap ang larawan ng sanggol sa Facebook na agad namang kumalat sa social media.

Makikita sa larawan ang isang ina na naghuhugas ng mga pinggan habang ang kanyang anak na sanggol ay nakalagay sa isang batya sa tabi niya.

Kinilala ang ina ng sanggol na si Joanna Mae Andres.
Dexter Cainap / Screencap from GMA News
Joanna Mae Andres / Screencap from GMA News

Ayon kay Dexter, landlord ni Joanna, itinimbre sa kanya ng bayaw niya ang tagpo kaya naisipan niya itong kunan ng litrato mula sa ikalawang palapag ng apartment.

"Naisip ko dun sa picture, ang hirap pag walang katuwang sa pag-aalaga," ani Dexter.

Kwento ni Joanna, wala umano siyang mapag-iwanan ng kanyang anak kaya inilagay nalang
 niya ito sa batya dahil natatakot siya na baka makalmot ito ng pusa o mahulog sa hagdanan.
Joanna Mae Andres / Screencap from GMA News
 Screencap from GMA News

"Tama lang po yung ginawa ko kasi safety po iyan nung baby ko. Ayaw ko po siyang iwan kung saan," aniya.

"At least nakikita ko po siya. Nababantayan ko po kahit may ginagawa ako," dagdag pa ng ina.

Isang construction worker naman ang kinakasama ni Joanna na si Charles. Wala raw silang kakayahan na kumuha ng kasambahay.
Screencap from GMA News
Screencap from GMA News

"Minsan po iniisip ko gusto kong umuwi nang maaga para 
din po matulungan asawa ko," ani Charles.

"Pero di ko po magawa kasi po madalas nago-OT po ako."

Aminado si Dexter na ipinagtapat lang niya kay Joanna ang litrato nang mag-viral na ito sa Facebook.

Dahil sa lawaran, nakatanggap ng samu't saring tulong sina Joanna mula sa ipinadala ng mga netizens tulad ng groceries, damit at stroller.

Panoorin ang video sa ibaba:


***
Source: GMA News