Inamin ng batikang propesor at political analyst na si Clarita Carlos ng University of the Philippines na nasurpresa siya at bumilib kay Robin Padilla na nangunguna ngayon sa partial at unofficial count ng natapos na halalan nitong Mayo 9.
Sa isang interview sa SMNI News, ibinahagi ni Prof. Carlos ang ilang mga bagay na nagpanalo umano sa kilalang aktor na ngayo'y incoming senator sa darating na Hulyo. Ayon sa kanya, nakatutuwa na huli man ang naging desisyon sa pagsabak ni Robin sa politika ay nanguna pa rin ito.
"I was pleasantly surprised with Robin Padilla. Hindi natin minamaliit 'yung nangyari sa kanya but in fact, he was late on the game as far as I can remember. 'Yang pagfile niya as senator. But I think dahil very strong siya sa constitutional reform, I think that's the one that paves the way for him," ani ng propesor.
"Kasi ang galing niya eh. Nadinig ko siya do'n sa pag-explain niya ng Federalism saka Parliamentary Government, he was amazing!" puri pa ni Prof. Carlos kay Padilla.
Nagpayo naman ang kilalang UP professor sa mga nagmamaliit kay Robin at nagsasabi na "artista lang siya" na pakinggan muna siya lalo na sa mga sinasabi nito patungkol sa constitutional reforms.
"Sana si Robin Padilla ay mag spearhead ng movement and really help us explain why we need constitutional reforms," dagdag pa niya dahil tingin niya ay napapanahon na ito.
Hiling din ng propesor na kung sino man ang magiging Senate president ay ibigay niya ang Committee on Constitutional Reforms kay Robin Padilla, dahil umano ang huling senador na may hawak nito na "hindi nanalo, thankfully," ayon kay Prof. Carlos, ay wala sa isip ang pagbabago.
Matatandaan na ang Committee on Constitutional Amendments sa senado ay hawak ni vice presidential candidate Kiko Pangilinan.
Narito ang buong panayam:
Source: 1