Prof. Clarita Carlos, binigyan ng assignment ang anak ni Kiko Pangilinan na si Kakie - The Daily Sentry


Prof. Clarita Carlos, binigyan ng assignment ang anak ni Kiko Pangilinan na si Kakie




Binigyan ng 'homework' ng kilalang Univesity of the Philippines (UP) professor na si Prof. Clarita Carlos, ang panganay na anak nina Senator Kiko Pangilinan at Megastar Sharon Cuneta na si Frankie, matapos itong magbigay ng pahayag sa pangunguna ni former Senator Bonbong Marcos sa partial at unofficial result ng eleksyon 2022.


Ayon kay Kakie, hindi siya papayag na ang magiging presidente niya ay may apelyidong Marcos muli, "ever!", bigay diin pa niya sa isang panayam sa rally na kanyang dinaluhan kasama ang ilang kabataan sa Palacio del Gobernador nitong Martes, May 10. 



“Sabi ng iba na we have to accept defeat daw na hindi tayo marunong matalo. I think that the truth is, it’s not just about this election anymore… I’m not going to have my president be named Marcos again! Ever! We all know what’s right and wrong. If we are not here to stand up, if we are not here to fight, eh ano pa ang ginagawa natin dito sa Pinas?" pahayag niya.



Nag-react naman ang UP professor sa tinuran ng dalaga.

"My dear child… I hear you… but I need to understand where you are coming from… can you write a 5,000 word essay defending your declaration? Thank you," hamon ng professor.


Matatandaan na si Prof. Carlos ay isa sa kinakatakutan (ayon sa iba) at batikang panelist sa nagdaang SMNI presidential debates na hindi dinaluhan ng ilang presidential candidates tulad ni Isko Moreno, Ping Lacson, Leni Robredo at Manny Pacquaio.


Samantala, wala pang reaksyon ang anak ng senador patungkol rito.


Source: 1