Pinutol nga ba ni Mel Tiangco ang slogan ng GMA News’ na “walang kasinungalingan” sa kanyang closing spiels? - The Daily Sentry


Pinutol nga ba ni Mel Tiangco ang slogan ng GMA News’ na “walang kasinungalingan” sa kanyang closing spiels?



Viral ngayon sa social media kung pinutol nga ba ni Mel Tiangco ang slogan ng GMA News and Public Affairs sa kanyang closing spiels?
Mel Tiangco / Photo credit to the owner

Napansin ng maraming netizens na tila pinutol ni Mel ang kabuuang slogan ng GMA News na,”Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang kasinungalingan, serbisyong totoo lamang.”

Kahapon, Martes, May 10, 2022, in-upload ng isang netizen ang screen recording mula sa Eleksyon 2022 special coverage ng GMA kung saan nag-closing spiels ang tatlong anchors na sina Jessica Soho, Mel, at Mike Enriquez.

At iyan po ang special coverage ng GMA News and Public Affairs, maraming-maraming salamat po sa pagsama niyo sa aming pagbabantay mula paghahanda sa eleksyon hanggang botohan at unang bilangan,” bungad ni Jessica.
Jessica Soho / Photo credit to the owner
Mel Tiangco / Photo credit to the owner

Dugtong ni Mel, “Tuloy ang ating pagtutok sa mga update sa mga GMA newscast, sa… at ganun din sa radyo, online, at sa social media.”

Nagbigay pugay naman si Mike sa mga botante: “Isang pagbati po sa lahat ng mga naglaan ng kanilang tinig sa pamamagitan ng pagboto, at isang pagkilala sa anuman ang nararamdaman niyo sa mga sandaling ito.”

Si Mel naman ay binigyan ng halaga ang mga guro.

“Pagpupugay rin sa lahat ng mga guro sa kanilang dedikasyon at pasensiya.”

Dugtong ni Jessica, “Lalo na ho yung mga matiyagang naghintay para lamang makaboto. Mabuhay po kayong lahat.”

“Mga teacher kasama roon ano, hindi natulog!” sabi naman ni Mike.
Mel Tiangco / Photo credit to the owner
Mike Enriquez / Photo credit to the owner

Patuloy ni Jessica, “Yes, lahat po ng mga tumulong para sa Eleksyon 2022, kasama na yung mga kasama dito sa GMA News and Public Affairs.”

Si Jessica na rin ang nagsimula sa usual parting message ng GMA News and Public Affairs: 

“Patuloy po ninyong maaasahan ang GMA News and Pubblic Affairs sa paghahatid ng serbisyong totoo na walang kinikilingan.”

Dugtong ni Mel: “…at walang pinoprotektahan.”

Maririnig naman si Mike na nagsasabi ng “at,” subalit itinuloy ni Mel ang pagpapakilala sa kanyang sarili na bahagi ng kanyang spiel: “Ako po si Mel Tiangco.”
Mel Tiangco / Photo credit to the owner

Nang si Mike na ang magsasalita, nag-sorry siya kay Mel dahil muntik na niya itong ma-cut: 
“At mga Kapuso… Sorry, Mel.”

“Mga Kapuso, binantayan po natin ang kampanya, ang botohan, ang bilangan. Hindi pa tapos, babantayan po natin yung mga nanalo,

“Kayong mga nanalo, tandaan ninyo, magbabantay kami. Ako po si Mike Enriquez.”

Panoorin sa ibaba ang video:

Mapapansin sa video na kulang ang sinabing spiel dahil wala ang mga katagang “Walang Kasinungalingan” na kadalasa’y kadikit sa kabuuan ng Serbisyong Totoo campaign ng GMA News.

Una itong in-upload ng netizen na si Ken Villaruel II sa Facebook.

“Ang tag line ng GMA News na pinaninindigan at sinasabuhay nila noon pa ay ‘Serbisyong totoo na walang kinikilingan, walang pinoprotektahan at walang kasinungalingan.’

“Pero may laman itong ginawa ni Ms. Mel Tiangco noong tinapos nila ang coverage ngayong Eleksyon 2022. Panoorin at kayo na ang humusga.”


Dugtong pa ni Ken sa comments section: “Supposedly di ba ‘walang kinikilingan, walang pinoprotektahan at walang kasinungalingan.’ Pero in-interrupt ni Mel si Mike bago nya sabihin yung line nya na ‘walang kasinungalingan.’”

Maging sa Twitter ay viral din ang nasabing clip, kung saan ini-upload ng user na si @SIMP4JIS00 ang kabuuan ng outro ng tatlong veteran GMA-7 reporters.

 "GMA's tagline since then is 'walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang kasinungalingan, serbisyong totoo lamang'

"but then again, MEL TIANGCO CUT AND END THE TAGLINE 'walang kinikilingan at walang pinoprotektahan'

"thanks for standing firm, Ms. Mel."

"in the longer video, we can clearly see how Ms. Mel Tiangco was trying her best to compose herself. she's mad mad,” dagdag ni @SIMP4JIS00.

Marami sa comments section ang nakapansin na parang na-cut ni Mel si Mike sa spiels.

May mga ilan ding nagsabing bakas kay Mel ang pagkadismaya.




Nagsimula ang katanungan nang ipaalam ni Mel ang kanyang pagkadismaya sa mga naging aberya sa Vote Counting Machines (VCMs) sa araw ng eleksyon noong May 9, 2022.

Dahil sa mga naging problema, naging sanhi ito ng mahabang pila sa maraming presinto.

Ayon kay Mel, dapat raw ay nag-test run na ang COMELEC ng mga machines bago pa isagawa ang araw ng eleksyon.

"Kanina pang umaga, VCM na ng VCM ng VCM ng VCM ng VCM ang mga problema.”

"Bago tayo mag-eleksyon, em, nagkaroon iyan ng malawakang pag-eksamen diyan sa bawat VCM na iyan para maiwasan precisely itong mga ganitong mga kaganapan, para sa ikagaganda ng ating pagtingin o pagtiwala sa nagaganap na botohan.”

"Ano daw ba ang kinulang at bakit hindi nakamit iyon?"

Naging trending sa Twitter ang facial expressions ni Mel habang nagtatanong patungkol sa mga sirang VCM.

Sa kabila ng lahat, naniniwala pa rin ang mga netizens na hindi lang basta nakalimutan o tinanggal ang "Walang Kasinungalingan" spiel, at maaaring talagang sinadyang wala ito sa script o hindi binanggit ni Mel.


Sa 24 Oras naman kinagabihan ng May 10, buo na muling binanggit ni Mel at Mike ang tagline ng GMA News and Public Affairs sa pagsasara ng programa.

Wala namang nabanggit na kahit ano tungkol sa hindi pagkumpleto ng spiel ni Mel sa Eleksyon 2022 coverage ng pinakamalaking free-TV network ng bansa.


***
Source: PEP