Isang Filipino sa Japan ang binigyan ng parangal dahil sa pagliligtas
sa isang babae na tatal0n sana sa tulay, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong
araw ng Lunes.
Dahil dito ay naisalba ng 32 anyos na si Emil Reboja Vega
ang isang residente sa Asaka City, Saitama Prefecture sa kapahamakan sana noong
Abril 24.
Kinilala ni Asaka City Police Commissioner Chief Police
Inspector Makoto Sato ang kabutihang ginawa ni Vega at siya ay binigyan ng
certificate.
Ayon pa sa tubong Leyte na si Vega, siya ay naglalakad pauwi
galing sa kanyang trabaho sakay ng kanyang motorsiklo nang kanyang makita ang
babae na akmang tatalon na sa isang tulay.
Nag madali ang Pinoy na bumaba sa kanyang motor upang
puntahan ang babae at hinawakan ang kamay nito kasabay ng paghingi ng tulong sa
mga kapwa motorist ana dumaraan.
Binigyan ng parangal si Vega noong nakaraang Huwebes bilang
pagkilala sa kabayanihang kanyang ginawa upang tulungan ang babae.
Si Vega ay 16 taon nang nagta-trabaho sa bansang Japan
bilang isang plumber.
Isang Pilipino na naman ang nagpamalas ng kabutihan at di
nagdalawang isip na tulungan ang kapwa.