Bumihag sa puso ng mga netizens ang naging magandang pahayag ng isang pari sa tambalang BongBong Marcos at Inday Sara Duterte ng Uniteam na ngayo'y namamayagpag at nangunguna sa botohan para sa dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.
Viral ang naging sermon ni Rev. Fr. Crescenciano 'Ciano' T. Ubod mula San Vicente Ferrer Parish sa San Vicente, Liloan, Cebu.
Inihalintulad ni Fr. Ciano ang ugaling ipinapakita ni Bongbong Marcos sa Panginoong Hesukristo na kahit pa man sa mga samut saring pang-aalipusta na natanggap niya, hindi siya kailanman man nagbitiw ng masasamang salita at naghiganti sa mga taong nagkasala sa kanya.
"Sasabihin ko to sa inyo kasi hindi ko to ipinagsasabi kahit kanino noon. Naaapreciate ko ang ugali ni BBM kasi para siyang si Hesukristo, na lahat nalang ng mga pamumuna at pang-aalipusta hanggang sa kahit ipinako na siya sa krus, patuloy parin ang mga paninisi,"
"Pero wala niisang masamang salita ang lumabas sa kanyang bibig na nagagalit siya, na nagreklamo siya, na pumatol siya at naghiganti siya, wala talaga."
Kaliwa't kanan ang mga di mawala-walang kontrobersyal at mga isyung pilit idinidikit sa pangalan ng dating Senador upang sirain ang imahe nito sa mga tao, ngunit imbes na labanan ang mga ito, tahimik at patuloy lang sa pagsusulong ng mensahe ng pagkakaisa para sa muling pagbangon ng bayan.
"Napaka-amazing lang. Lalo na si BBM (Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr.) Lahat ng mga ipinupukol na paninisi at pang-aakusa at mga judgements sa kanya lahat puro mga negative magnänakaw, anak ng diktädôr, tax eváder, at iba pang mga negative."
Dagdag pa ni Fr. Ciano bago pa man nagsisimula ang pangangampanya, noong malaman niya ang BongBong-Sara tandem, alam niya na mahihirapan ang mga katunggali ng dalawa para sa pwesto.
"Kaya ang kita ko sa ugali niya, lalo pat naka tandem niya si Inday Sara Duterte, na nagkakaisa sa kanilang positive campaigning. Nasabi ko talaga kahit nung nagsisimula pa lang sila sa pangangampanya na malalim tong mga 'to. Mahirap to talunin,"
"Maapply natin tong pagkakaisa sa business, kung mag-aaway-away ang mga board of directors or hindi magkakaintindihan ang mga managers, magigiba talaga ang business. Pero kung magkakaisa at iisa lang ang magiging layunin, aangat talaga,"
Positibo rin ang tingin ni Fr. Ciano para sa kakatapos lang na eleksyon. Aniya naging matagumpay at mapayapa ang buong proseso ng botohan, indikasyon lamang ito na may basbas at panalangin ito mula sa Panginoon.
***
Source: Arria Clerigo
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!