Pari na Nanalo ng Php25k sa Raffle, Ibinahagi ang Napanalunan sa mga Kapos-Palad na Bantay sa Ospital - The Daily Sentry


Pari na Nanalo ng Php25k sa Raffle, Ibinahagi ang Napanalunan sa mga Kapos-Palad na Bantay sa Ospital



Photo credit to Fr. Marlito G. Ocon SJ | Facebook

Sa panahon ngayon kung saan sinusubok tayo ng pandemya, nakakatuwang isipin na namumutawi pa rin sa atin ang pagiging likas na matulungin, lalo na sa mga kapos-palad at sadyang kahanga-hanga ang mga taong busilak ang puso at bukas ang palad sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Tulad na lamang ng isang Pari na mas piniling itulong sa iba ang napanalunang Php25,000 sa raffle ng isang Supermarket sa Manila.

Talaga namang marami ang naantig ang puso nang ibinahagi ni Fr. Marlito “Lito” Ocon sa social media ang kanyang kwento ng pagkapanalo sa isang raffle. Ayon kay Fr. Lito, bago pa man siya manalo sa raffle, tumutulong at nagbibigay na sya ng 'daily feeding' sa 100-150 'watchers of poor ER patients' sa Philippine General Hospital.



Photo credit to Fr. Marlito G. Ocon SJ | Facebook

 Marami raw kasing bantay 'watchers' ng mga pasyente ang di makapasok sa loob ng emergency dahil puno na ang mga kwarto pati pasilyo sa dami ng mga pasyente rito. Kaya naman karamihan sa mga bantay ay nasa labas lamang naghihintay maghapon, magdamag at doon na natutulog.  

Photo credit to Fr. Marlito G. Ocon SJ | Facebook


Photo credit to Fr. Marlito G. Ocon SJ | Facebook



Kaya naman sobra diumano ang kanyang saya noong araw na makatanggap siya ng text na nagsasabing nanalo siya sa raffle ng Php 25k 'worth of grocery spree'. Mas marami raw kasi siyang matutulungan sa biyayang natanggap na ito.

"Some called it luck, but for me its a blessing!

Yung feeling ng namimili ka ng tinapay para ipamigay sa mga nagugutom na mga watchers ng ER patients tapos makatangap ka ng text. Maraming SALAMAT Robinsons! This is enough to feed more than a 100 watchers daily for 2 weeks. Is it a luck or a blessing? Maybe I am luckily blessed for being the only one who won from Robinsons Ermita Branch. Salamat Panginoon for being so kind to the hungry!",
ani Fr.

Photo credit to Fr. Marlito G. Ocon SJ | Facebook

At dahil kahanga-hanga ang ginawang ito ni Fr. Lito, maraming netizens ang nagbahagi ng kanyang kwento, dahilan upang makarating at umabot ito sa Marketing Office ng Robinsons Mall, kaya naman dinagdagan nila ng 10k GC pa ang napanalunan ng pari.

Nagpasalamat naman ng buong puso si Fr. Lito sa pamunuan ng nasabing Mall at sinabing dahil dito ay mas marami pa siyang matutulungan at mapapakain araw-araw.



Photo credit to Fr. Marlito G. Ocon SJ | Facebook

Photo credit to Fr. Marlito G. Ocon SJ | Facebook

"Salamat sa dagdag na biyaya 10,000.00 GC! Umabot sa Marketing Office ng Robinsons Mall ang post ko sa FB tungkol sa 25,000.00 na pinanalunan ko sa raffle promo nila na binili ko rin ng tinapay at sandwich spread para sa aming daily feeding to around 100-150 watchers of poor ER patients in Philippine General Hospital. At dahil nalaman nilang para sa mga mahihirap na pasyente ito dinagdagan nila ang 25k ko ng 10k more, kaya eto meron na akong palaman ng tinapay good for a month. What a blessing, God is good all the time! Thanks to Ms Ethel Sia (my former HS student) who forwarded my FB post to Robinsons Marketing Office, but most of all many thanks to Madam Robina for giving me additional 10k GC. Pagpalain kayo ng Dios and more blessings to you!", post ng Fr. Lito.



Photo credit to Fr. Marlito G. Ocon SJ | Facebook