Marami na ang mga iilang sinuswerte pagdating sa mga nakukuha nilang mga pera, ginto at iba pang mga kapaki-pakinabang mula sa mga nabibiling ukay-ukay. Marami sa mga Pinoy ang nahihilig bumili sa mga ukay-ukay shops dahil hindi lang sa sobrang mura lahat ng paninda, pawang mga branded pa halos lahat.
Napanga-nga nalang ang mga netizens sa malaking swerteng balik mula sa P180 lamang na jacket na nabili ni Alvin Piñero Balbon sa isang ukay-ukay shop sa Dumaguete.
Hindi inaasahan ni Alvin na ang kanyang paghahanap ng mumurahing jacket ay maghahatid sa kanya ng isang mabigat at kumikinang na 18karat na gintong kwintas.
Kwento niya, saka na niya namalayan na may biyayang dala ang nabili niyang ukay-ukay nang labhan niya na ito. Sa una'y akala niya parang mga pang display display lang, ngunit naghihinala na siya kaya't pinasuri niya ito sa mga sanglaan.
"Iba kasi ako pag maglalaba chinicheck ko muna yung mga bulsa kung meron bang mga papel or tissue kasi kakalat lang sa washing machine,"
"Pag check ko sa bulsa ng jacket may necklace, akala ko lang din mga bling-bling lang na kwintas,"
Sobra niyang ikinagulat nang sabihin ng tauhan ng pawnshop ang bigat at karat nito. Lalo pa niyang ikinatuwa nang malaman ang maaring halaga nito.
"Ang sabi 87grams at 18karat, kaya tinanong ko kung magkano kaya ang tanggap nila pag isinangla, ang sabi P93,700 sir,"
At para makasigurado, minabuti niyang ilapit ito sa iba pang tanggapan ng mga alahas, dito niya nalamang halos triple pa ang halaga ng kwentas na nakuha niya.
"Pina-appraise ko sa Cebuana, malaki ang tanggap nila umabot ng P278,200. Mababa lang ang sangla sa Palawan,"
Marami ang mga taong napapa-Sana All at na-amaze sa swerteng nakuha ni Alvin mula sa ukay-ukay. At pinatunayan rin niya sa mga taong may duda sa kanyang ipinost na lahat ay totoo at hindi gawa-gawa lang ang kanyang kwento.
"Totoo. Marami ngang mga pumupunta dito para lang tingnan," pag-amin niya sa isang netizen nagtanong kung legit ba
Ito ang kabuuan ng kanyang maswerteng kasaranasan:
Mga Marites, nakalimutan kong ikwento sa inyo na kahapon pumunta ako sa ukay-ukayan. Sa kakahanap at pamimili ko may nagustuhan akong jacket hindi naman siya mukhang kupas tingnan kaya binayaran ko na kaagad.
Kaninang umaga lang nilabhan ko, iba kasi ako pag maglalaba chinicheck ko muna yung mga bulsa kung meron bang mga papel or tissue kasi kakalat lang sa washing machine.
Pag check ko sa bulsa ng jacket may necklace, akala ko lang din mga bling-bling lang na kwintas. Habang tinititigan ko, mahahalata rin kasi kung totoo or fake pero parang totoo.
Sa sobra kong paghihinala, pinapa-appraise ko siya sa Palawan Pawnshop, tapos ang sabi 87grams at 18karat,
kaya tinanong ko kung magkano kaya ang tanggap nila pag isinangla ang sabi P93,700 sir. Hehehe parang swerte ako sa jacket na tig P180.
Tapos nung pag post ko may nakapagsabi na maliit lang ang tanggap ng Palawan pawnshop, kaya sinubukan kong i-appraise sa Cebuana, medyo mas malaki ang tanggap nila, sobrang laki talaga. hahah. Praise to God.
***
Source: Alvin Piñero Balbon
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!