Matapang na hinarap lahat ng paghihirap at ang mga hindi mabilang na pagkadapa at mga pagsasakripisyo para sa pag-abot ng mga pangarap kasama ang pamilya.
Ganito pinatunayan ni Maricris Quingco Colipano mula Brgy. Upper Natimao-an Carmen, Cebu, dating namamasukan bilang kasambahay para may maipangsuporta sa kanyang pag-aaral at pangangailangan ng pamilya ngayo'y tunay na inaani ang matamis na tagumpay.
Hindi lang siya basta isa sa mga Topnotchers, hinirang si Maricris bilang TOP 1 sa kakatapos lang na Licensure Examination for Teachers (LET). Nakakuha siya ng 92.40% na rating, pinakamataas sa halos 10, 039 Elementary passers mula sa 20,567 examinees.
Aminadong hindi naging madali para sa kanya at ng kanyang pamilya ang kanilang pinagdaanang hirap, hanggang umabot pa sa punto na napilitan siyang huminto sa pag-aaral dahil kapos sa pinansyal na suporta pagpasok niya ng kolehiyo.
Isang magsasaka ang kanyang ama at Barangay Health Worker naman ang kanyang Ina, kapwa hindi sapat ang kinikita para sabay matustusan ang kanyang pag-aaral at ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Wala siyang sinayang na pagkakataon sa kanyang paghinto, namasukan siya bilang isang kasambahay upang kahit papano makapag-ipon ng pera pang tuition sa pag-aaral niya ng kolehiyo.
Sa edad na 18, nakahanap si Maricris ng trabaho sa isang kompanya na di hamak mas malaking ang sinasahod niya mas nakakapagtabi na siya para sa pinag-iipunan niya at nakakatulong pa siya sa kanyang mga magulang.
Medyo nahuli man siya sa kanyang mga kabatchmates noon sa high school, 19 years old siya nang makapag-enroll sa kolehiyo taong 2016 at nakapagtapos bilang Cum Laude sa kursong Bachelor of Elementary Education (BEED) sa Cebu Technological University (CTU) noong 2019.
At dahil sa pand3mya, makailang ulit na naantala ang mga nauna nang mga nakatakdang examinations. Kaya nitong March 2022 lamang siya kumuha ng exam.
Hindi makapaniwala si Maricris nang ibalita sa kanya ng nakababatang kapatid na pumasa siya at nag Top1 pa.
"Grabe yung saya ko. Hindi kasi ako mahilig mag Facebook, so di ko talaga alam na lumabas na yung resulta. So nung nag-online ang kapatid ko, chinat pala siya ng classmate ko tungkol sa result,"
Dahil sa kanyang nakuhang pinakamataas na pwesto, marami na siyang natanggap na mga inaalok na trabaho, ngunit pangarap niya na kung palarin man makapasa gusto muna niya maging boluntaryong guro.
"Pangarap ko din talaga magvolunteer teacher kung makapasa. Kasi nasubukan ko na din ang ganyan nung 4th year ako. Masarap sa pakiramdam na ikaw naman ang makatulong lalo na sa mga batang wala masyadong interest sa pag-aral,"
Nagbigay rin siya ng payo para sa mga future examinees kung paano niya napagtagumpayan ang pumasa at maging Top1.
"To all soon to be LET takers, ang sekreto lang talaga; Una sa lahat ang dasal. Pangalawa, tiwala lang sa iyong sarili. Pangatlo, presence of mind,"
***
Source: CDN
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!