Matatawag na "record breaking" ang pagkakapano ng mag-asawa mula sa western England na nanalo sa lotto ng tumataginting na jackpot prize na 184 million sterling pounds o halos ₱12 bilyon sa EuroMillions draw noong Mayo 10, 2022.
Ang napakalaking premyo ay napanalunan ng mag asawang sina Joe at Jess Thwaite mula sa Gloucester
“It was amazing but also surreal,” ayon sa hindi makapaniwalang si Joe sa isang panayam kasama ang kanyang may-bahay
“I looked at the amount. I put the phone down and I picked the phone up again and I looked at the amount again!” dagdag pa ni Joe
Si Joe ay nagtatrabaho bilang isang communication sales engineer habang ang kanyang asawa na si Jess naman ay namamahala ng isang salon kasama ang kanyang ina at kapatid na babae.
"This is an amazing thing that’s happened to us, and this means it’s an amazing thing that’s happened to our family and we want to share that with them,” ayon pa kay Jess
“Even though it’s wonderful and exciting, it’s also a massive relief for everybody that’s been struggling with all their bills. We’re like every normal family… So it’s just a huge relief,” dagdag pa ng maybahay ni Joe *
Ang EuroMillions ay nilalaro sa siyam na bansa sa Europa at ang panalo ni Joe at Jess ay pangalawa sa may pinakamalaking napanalunan sa kasaysayan nito.
Noong Oktubre 2021 naman ay nasungkit ng isang babae mula sa Pacific Island ng Tahiti ang pinakamalaking jackpot na €220 million.
Matapos manalo ng napakalaking halaga sa EuroMillions ay patungo sina Joe at Jess sa isang round-the-world holiday.
“Our two children have always talked about going to Hawaii, I’ve no idea why, but we can now make that dream come true," ayon pa sa mag-asawa “Just to see their faces when we can make these things come true will be worth every penny.”
Ang mag-asawa ay 11 taon nang kasal at may dalawang anak na nasa elementarya. Si Joe ay may dalawang anak na may edad na sa unibersidad mula sa unang asawa.
Plano rin ng mag asawa na ipaayos ang kanilang bahay. Ngunit sa ngayon ay nais muna nilang pagbigyan ang hiling ng kanilang mga anak na bakasyon.