May mga panahon sa buhay na nararanasan ng bawat tao ang dumating sa punto na halos walang-wala na lahat dahil sa hirap na pamumuhay, ngunit sa araw-araw na nilikha ng Diyos kalakip nito ang kanyang lubos na pagmamahal ay hinding-hindi niya pinababayaan at palagi siyang may nakahandang instrumento para maipabatid ang kanyang kakaibang plano.
Katulad nalang ng hindi malilimutang milagrong karanasan ni Sharmaine Constantino na tumagos sa puso ng mga netizens.
“Tatay : anak, subukan natin sumakay ng jeep. Limang piso na lang hawak kong pera.
Anak : kulang ata yan
Tatay : susubukan lang natin, kung ayaw wala tayo magagawa,”
Pansin ni Sharmaine ang hirap na buhay ng mag-ama dahil walang suot na tsinelas ang matanda habang bitbit nito ang sako laman ang kanilang mga gamit habang yakap-yakap nito ang kanyang anak.
“Si tatay walang tsinelas tas halatang antok na antok pa anak nya kaya pinatulog nya ito sa kanya at sabay yakap🥺🥰,”
Nang inabot na ng matanda ang kanyang huling Limang Piso para pamasahe nila, sabay siyang nakikiusap sa Drayber kung pwede na iyon at yun lang ang pera nila ngunit wala umano itong imik sa sinasabi ng matanda.
Gusto niya rin sanang mag-abot mag tulong ang mag-ama kahit sa kanilang pamasahe ngunit maging siya’y may labin-limang piso na lamang sa kanyang bulsa.
“Ako sa sarili ko gustong gusto ko mag abot ng tulong. Kaso saktong wala ako dalang extra na pera ang tanging panalba na meron ako ay asa gcash ko pa at ang 15 pesos sa pitaka ko,”
Habang nasa byahe, iniisip at pinagdadasal parin ni Sharmaine kung paano na ang mga kasunod na lakad ng mag-ama na walang kapera-pera lalo na ang pangkain nila.
Hanggang may narinig siya sa isa sa mga pasahero na nagpresentang magbayad para sa kanilang pamasahe. Sabay abot ng kaunting tulong para may magagamit ang mag-ama.
"Napahaaayy salamat Lord may mabubuti pa din talagang tao,"
"Nabuhayan ako kahit papano, dahil ang bilis ni Lord umaksyon🥰,"
Nakakapagpabago at tunay na titibay pa lalo ang iyong paniniwala sa kapangyarihan ng dasal sa maykapal dahil sa natunghayan na karanasan ni Sharmaine at ng mag-ama at ng taong naging instrumento upang ipabatid ang pagmamahal at tulong sa mga nangangailangan.
Narito ang kanyang buong post:
(5:45 am)
May nakasabayan ako kanina nag aabang ng jeep, nung una di ko sila pinapansin pero naririnig ko sinasabi ni tatay kasi ang iniisip ko malelate na ako sa trabaho.
Tatay : anak, subukan natin sumakay ng jeep. Limang piso na lang hawak kong pera.
Anak : kulang ata yan
Tatay : susubukan lang natin, kung ayaw wala tayo magagawa
Ayun nakasakay na kami ng jeep, saka lang nakuha nila buong attention ko.
Tatay : manong, okay lang Limang piso bayad (sabay abot)
Walang imik si driver at tinanggap ang pamasahe nila. Babayaran ko na sana kulang nilang pamasahe ng biglang,
Pasahero : kuya ako na magbabayad
Napahaaayy salamat Lord may mabubuti pa din talagang tao.
Ako sa sarili ko gustong gusto ko mag abot ng tulong. Kaso saktong wala ako dalang extra na pera ang tanging panalba na meron ako ay asa gcash ko pa at ang 15 pesos sa pitaka ko.
Inisip ko, pagbaba kaya nila sasakay pa ba sila? Paano na ulet sila makikiusap sa driver, paano na pagkain nila. Hindi ko alam paano ko sila abutan ng tulong, nanahimik ako saglit at nagdasal kasi naniniwala akong prayer works. At yun na nga, real quick....
Pasahero : (eto yung nagbayad ng kulang na pamasahe nila tatay) manong para sa tabi, (sabay abot ng isang daan kay tatay)
Nabuhayan ako kahit papano, dahil ang bilis ni Lord umaksyon🥰
Si tatay walang tsinelas tas halatang antok na antok pa anak nya kaya pinatulog nya ito sa kanya at sabay yakap🥺🥰
Wala man akong perang naitulong or kahit pagkain, taos puso ko kayo pinagdasal na maging safe kayo. God will provide because He is EVERYTHING😇🤍
Talagang walang katumbas magmahal ang isang ama🥺🤍
PS: di ko pinopost ito para magpasikat. Naantig ang puso ko kay tatay🥺. gagawin lahat para sa anak🥰
***
Source: Sharmaine C.
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!