Marami sa ating mga kababayan ang mahihirap at talagang nangangailangan ng tulong. Sila ang dapat inuunang bigyang pansin ng ating gobyerno dahil lubos na pagod at hirap ang kanilang puhunan kumita lamang ng pera.
Photo credit to the owner
Katulad ng mga magsasaka na todo kayod sa paghahanap buhay umaga hanggang gabi upang may maipangtustos sa kanilang pamilya.
Sa kabila kasi ng kanilang hirap, hindi pa rin sumasapat ang perang kinikita para sa pang araw-araw na gastos. Kaya naman may ilan sa kanila ang napipilitang dumiskarte para kumita ng pera. Katulad na lamang ng isang lolo na makikita sa larawan na kahit bumubuhos ang ulan ay patuloy pa rin siya sa pagtitinda ng mga gulay.
Sa Facebook page na “Isko Moreno Supporters”, mabilis na nag-viral ang larawan ng matandang magsasaka na kahit malakas ang ulan ay nagawa pa rin magtinda ng mga gulay.
Photo credit to the owner
Ayon sa caption ng post, huwag raw sanang baratin o humingi pa ng discount sa mga katulad ni lolo na kakaunti lang naman ang kinikita sa pagtitinda.
“Huwag baratin o humingi ng malaking discount kapag bibili sa mga farmers na nagtitinda ng sarili nilang produkto, o kaya sabihin sa kanila na mas mura ang mamili sa palengke o supermarket. They are often the same people who grew that food, which is a lot of work,” ayon sa post.
Photo credit to the owner
Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang larawan ng matanda.
“Bigyan natin ng mataas na pagpahalaga ang atingmga magsasaka Bakit sa ating bansa napakababaha ng pagpapahalaga sa ating magsasaka pero sa ibang bansa sila ay mayaman dahil sia ay inaalagaan. At pinahahalagahan,” sabi ni Lorna Pardilla Garcia.
“Ang tatay ko ay isang magsasaka ng palay at aking ina namay nagtatanim ng mga halamang gulay upang maibenta sa palengke,,proud po ako sa kanila at nagpapasalamat Dahil sa kabila ng lahat naitaguyod Nila kaming magkakapatid,,..at maging ako proud din ako sa Sarili ko Dahil naranasan ko ding magbenta sa palengke ng ibat-ibang klase ng gulay,,at Alam nyo po ba kahit marangal po ang aking hanapbuhay ay sadyang may mga tao talagang mababa ang tingin sa mga kagaya namin habang nag Aaral po ako ng elementarya natuto po akong maghanap ng pera para matulungan ko ang aking mga magulang and I thank God Kong San man ako ngayon..ginawa kong inspirasyon yong mga taong dati minamaliit ang kakayahan ko.SO STOP BEING A BARAT O KURIPOT BUYER PO!!alam ko Kong gano kahirap ang magtanim at magbenta ng mga halamang gulay..” sabi naman ni Kris Depza Losre.
"we need to support these farmers. they are feeding our society. We can make foods on garden. But farmers can feed a whole society,” sabi naman ni Crismar Ramilla.
Talaga namang napakahirap ng kanilang hanapbuhay dahil magmula sa pagtatanim, pagdidilig at hanggang sa pagsasaka ay binubuhos nila ang kanilang buong lakas para may makain lamang ang kanilang pamilya.
Sa ngayon ay umabot na sa 577k reactions, 5.1k comments at 41k shares ang nasabing post.
***
Source: Pinoy Ako PH