Kylie Padilla to Robin: "Mahal na mahal ng Tatay ko ang Pilipinas, Mahal nya ang mga Tao." - The Daily Sentry


Kylie Padilla to Robin: "Mahal na mahal ng Tatay ko ang Pilipinas, Mahal nya ang mga Tao."



Photo credit to Kylie Padilla | Facebook

Sa patuloy na pangunguna ng sikat na aktor na si Robin Padilla sa senatorial race, talaga namang magkahalo ang mga naging reaksyon ng mamamayang Pilipino ukol dito. 

Marami ang nagulat at tila hindi matanggap ang naging resulta ng nagdaang eleksyon, lalo na ng malamang nangunguna sa listahan ng mga nagwagi ang dating binansagan na  'Bad Boy of Philippine Cinema'.



Photo credit to Manila Bulletin

Marami ang tila naging judgmental at hinusgahan ang kredibilidad ng aktor na maging isang senador. Marami ring netizens ang hindi mapigilan ang mga nakakainsultong komento at hindi makapaniwala sa pagkapanalo ng aktor. Marami raw kasing mas karapat-dapat at mas may karapatang makapasok sa Top 12 kesa kay Padilla.

Subalit kung mayroon mang tutol sa kanyang pagkapanalo ay mas marami ang naniniwala sa kanyang kakayanan na mamuno at magbigay ng taos-pusong pagtulong sa bansa. Marami rin ang bumati at nabigay ng mensahe sa kanya, kabilang na dito ang Muslim community na nagsabing 100 percent ang kanilang suporta sa kanyang kandidatura.

Photo credit to Philippine Star



Higit sa mga kaibigan na nagbigay ng suporta ay nariyan rin ang kanyang pamilya, sa pangunguna ng anak na si Kylie Padilla, na kamakailan ay nagbahagi ng isang napakagandang mensahe para sa kanyang ama.

Na sa kabila ng pagbabatikos sa ama, tumayo at nanindigan si Kylie hindi lang bilang isang anak kundi bilang isang mamamayang Pilipino na pinag-aralan diumano ang kakayahan ng aktor dahil ayaw niyang maging 'biased'.

Photo credit to Philstar

Photo credit to Filipino News

Narito ang kanyang mensahe para sa ama:



"I approached this like you were not my dad. I did my homework. I did my research. I did not want to be biased. I watched all the interviews and inintindi ko lahat ng sinabi mo. And all i can say I cannot wait for you to make your dreams a reality. I support you with all my heart. You have always been passionate about helping people and now you are in a position where you can make a bigger impact. I’m so happy and proud of you.

But If I was to speak as his daughter all I have to say is mahal na mahal ng tatay ko ang pilipinas, mahal nya ang mga tao. Parte ng pagkatao nyang tumulong. He has always been selfless pag dating sa mga taong nangangailangan. If there is one thing I can attest to, my father did not need to become senator to help make change happen. He was already doing that before all of this. Kaya whatever happens after today, however busy you become please know that I love you and support you. Congratulations @robinhoodpadilla"