Kwento ng sakripisyo ni "Pambansang Marites" Xian Gaza para sa kapakanan ng kanyang anak, umantig sa puso ng marami! - The Daily Sentry


Kwento ng sakripisyo ni "Pambansang Marites" Xian Gaza para sa kapakanan ng kanyang anak, umantig sa puso ng marami!



Tampok ngayon sa Facebook account ng tinaguriang "Pambansang Marites" na si Christian Albert Gaza ang muling pagsasama nila ng kanyang anak at ang mga ibinabahagi nitong maiiksing kwento at larawan tungkol sa bonding nilang mag-ama.

Base sa post ay 5 taon na nang huli silang magkapiling ng anak na lalaki. Nasabi rin nito na nung mga panahong iyon ay walang direksyon ang buhay ni Xian at wala siya halos kapera-pera.




Nagdesisyon itong iwanan ang anak upang hindi ito madamay sa kanyang pagbagsak at paghihirap.

Sa mga panahong malayo ito sa anak, itinuon niya ang kanyang oras sa pagpapayaman at matapos ang limang taon, isa ng multi-millionaire si Xian Gaza! 5 properties sa Pilipinas, 4 na kumpanya sa Thailand, 2 kumpanya sa Dubai at 1 naman sa South Korea. Milyones rin ang pera nito na nakatabi sa bangko.

Christian Albert Gaza | Facebook

Christian Albert Gaza | Facebook


Bukod sa mga malalambing at nakakatuwang mga larawan nilang mag ama na ibinabahagi ng pambansang marites sa kanyang Facebook account, maraming netizens din ang bilib sa mga makabuluhang payo nito sa kanyang anak.

"Tinuruan ko siya ngayon na kapag may nagtanong sa kanya ng "What do you want to be when you grow up?" ang dapat niyang isagot palagi ay "To be happy". Bakit daw. Sabi ko "Because happiness is the greatest form of success". - Ani Xian

Christian Albert Gaza | Facebook

Christian Albert Gaza | Facebook


Narito ang Facebook post niya na pumukaw sa damdamin ng daan libong mga netizens:

"MNL 2017 • DXB 2022"

"Yung larawan sa kaliwa ay kuha noong 2017, mga panahong lost na lost ako at walang direksyon ang buhay. Bankrupt din ako that time at hindi nakapagsustento for 17 consecutive months. I need to let go of my son upang hindi siya madamay sa aking pagbagsak at paghihirap."

Christian Albert Gaza | Facebook

Christian Albert Gaza | Facebook


"Five years later, multimilyonaryo na ako. Maaari ko nang kunin ang custody niya mula sa kanyang ina. Kahit wala akong hilig sa bata eh afford na afford kong kumuha ng dalawang yaya at sarili niyang sasakyan with personal driver. Kaya kong ibigay sa kanya ang komportableng buhay bilang isang R.K. o anak-mayaman."

"Pero bakit hindi ko yun ginagawa? Kasi hindi ko siya kayang bigyan ng isang buong pamilya. One happy family na sila ng Mommy niya, stepdad niya at half-sister niya eh. Ayaw kong ipagkait yun sa anak ko. That's something na hindi kayang tumbasan ng pera."

"Money can buy happiness if you spend it right but it can never buy a complete family. Mabuti pa na ako na lang ang magsakripisyo at malayo sa kanya upang lumaki siya ng maayos na may buong pamilya. Ang role ko ay magpayaman ng husto at ilatag ang kanyang napakagandang kinabukasan."

Kasalukuyang nasa Dubai ang mag-ama at sinusulit ang bawat araw upang mabawi ang mga panahong magkalayo sila sa isa't-isa.

Christian Albert Gaza | Facebook