Nakakatakot at kakaibang m0dus sa NAIA, ibinahagi ng isang netizen - The Daily Sentry


Nakakatakot at kakaibang m0dus sa NAIA, ibinahagi ng isang netizen



Ibinahagi ng netizen na si Liza Gallenero ang nakakatakot na karanasang nangyari sa kanya noong siya ay nasa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Photo credit: ABS-CBN

Ayon kay Gallenero, sumakay siya ng taxi sa NAIA papuntang MRT station sa Taft pero noong malapit na siya sa kanyang destinasyon ay biglang may tumawag sa driver ng taxi at sinabing pinapabalik daw sila ng management ng NAIA.

Hindi rin daw mapakali at panay ang tingin ng driver kay Gallenero kaya dito na siya nagsimulang makaramdam ng takot.

Tinanong ni Gallenero ang driver kung bakit sila pinapabalik sa NAIA ngunit hindi siya sinasagot nito. Tila balisa at takot rin daw ito.
Liza Gallenero / Photo from her Facebook account

Hindi sya sumagot umikot na ang taxi pabalik sa NAIA tinanong nya ko kung ilan taon na ko, san ako galing, wala daw ba akong kasama sunod sunod ang tanong nya sa kin pero wala akong naisagot tinitingnan ko ung driver balisa at parang takot rin,” kwento ni Gallenero.

Nang malapit na sila sa airport ay pinayuhan ng driver si Gallenero na huwag niyang ibibigay o ipahahawak sa mga pulis at staff ang kanyang dalang bag.

Kwento ni Gallenero, kinausap siya ng isang matandang pulis at sinabing “for verification” daw ang kanilang ginagawa. Napansin din ni Gallenero na merong isang babaeng nagwawala at itinuturo siya habang sinasabing “Siya yun! Siya yun.”
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

may isang babae na sumisigaw palapit sa kin. Nasa early 30's ung babae, Maganda, mukhang mayaman at naka jumpsuit na kulay itim na ung sleeves eh lagpas lagpas sa mga kamay nya sa sobrang haba. hysterical ung babae tinuturo nya ko habang sumisigaw ng (sya yun! Sya yun!)”

Nang makalapit raw kay Gallenero ang babaeng nagwawala ay pilit nitong inaagaw ang kanyang bag ngunit hindi niya ito binitiwan. 

Habang hysterical ung babae tahimik lng ung matandang pulis nagtanung ulit ako (Sir anu po bang problema?) Inulit nya lang ung sagot nya sa kin nung una akong magtanung. Lumayo sa kin ung matandang pulis at ung babae may pinagusapan sila,” sabi ni Gallenero.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Dumami na raw ang tao sa paligid nila Gallenero at lahat sila ay pinayuhan siyang huwag ibigay ang kanyang bag. Ilang sandali pa ay kinausap raw ng matandang pulis ang driver ng taxi at panay lang ang tango nito. Kinausap rin ng pulis si Gallenero at sinabing “kalimutan mo na lng ung mga ngyari kmi na ang bahala ihahatid ka na ng driver sa taft.”

Dahil sa ayaw niya ng gulo at gusto na rin niyang makauwi  ng ligtas, tumango nalang din si Gallenero. Ayon pa sa kanya ay kalmado at mukhang relax na raw ang babaeng nagwawala kanina.

Habang nasa byahe sila ay tinanong ni Gallenero ang driver kung ano ba talaga ang nangyari. 
Photo credit to the owner

Photo from Youtube

“Ang sagot sa kin nung driver (mga kalokohan nila yun. Tama lang na hindi mo binigay ung bag mo dahil kung binigay mo yan ung babaeng lumapit sayo pwede nyang lagyan ng kung anu man yang bag mo at kapag nasa bag mo na ang bagay na yun pananagutan mo na yun dun ka pwedeng mapahamak. Kaya sa susunod na ba-byahe ka magisa wag kang tiwala sa staff at mga pulis dito dahil sila sila lang din ang madalas na gumagawa ng mga kalokohan dito.)”

Basahin ang buong post ni Gallenero:

“Share ko lng po experience ko po sa NAIA. Sumakay ako ng airport taxi sa NAIA papunta sana sa MRT station TAFT. Wala akong gaanong dala nun isang back pack lang at isang shoulder bag. Lahat yun hand carry ko sa plane. Malapit na kmi sa taft ng biglang may tumawag sa Taxi driver. Habang may kausap ung driver sa phone lingon ng lingon sya sa kin hindi sya mapakali at tinititigan nya ko. Dun ako nagsimulang makaramdam ng takot. 
Photo from UNTV

Photo credit to the owner

Nagtanong ako (kuya may problema po ba?) Ang sagot nya (ma'am tumawag po ang management ng NAIA kelangan ko po kayo ihatid pabalik ng airport) nagtanong ako ulit (Bakit po? May problema po ba?) Hindi sya sumagot umikot na ang taxi pabalik sa NAIA tinanong nya ko kung ilan taon na ko, san ako galing, wala daw ba akong kasama sunod sunod ang tanong nya sa kin pero wala akong naisagot tinitingnan ko ung driver balisa at parang takot rin.

Malapit na kmi sa airport ng sabihin ng driver sa kin na (tandaan mo wag na wag mong ibibigay at ipapahawak sa mga pulis at staff yang bag mo) paghinto ng taxi nagulat ako ng maraming pulis ang nagtakbuhan paikot sa taxi na sinasakyan ko, nauna bumaba ung taxi driver. kinausap sya nung dalawang pulis na lumapit sa kanya. Hindi ako umalis sa kinauupuan ko nagiisip ako kung anu gagawin ko dahil hindi ko naman alam kung anu ung ngyayari.
Photo credit to the owner

Bumukas ung pinto sa tabi ko at kinausap ako ng matandang pulis ang sabi nya sa kin (pasensya na po sa abala ma'am for verification lang po) un lang po ang nasabi nya sa kin dahil may isang babae na sumisigaw palapit sa kin. Nasa early 30's ung babae, Maganda, mukhang mayaman at naka jumpsuit na kulay itim na ung sleeves eh lagpas lagpas sa mga kamay nya sa sobrang haba. hysterical ung babae tinuturo nya ko habang sumisigaw ng (sya yun! Sya yun!) nang makalapit sa kin ung babae pilit nyang kinukuha sa kin ung back pack ko pero di ko binigay. Habang hysterical ung babae tahimik lng ung matandang pulis nagtanung ulit ako (Sir anu po bang problema?) Inulit nya lang ung sagot nya sa kin nung una akong magtanung. Lumayo sa kin ung matandang pulis at ung babae may pinagusapan sila. 
Photo from Interaksyon

Dumadami na ung tao sa paligid namin. Lahat sila sinasabi na wag ko raw ibibigay ung bag ko kagaya nung sinabi sa kin nung taxi driver. Tumagal kmi ng halos isang oras dun maya maya bumalik ung pulis lumapit sa driver kinausap sya tango lang ng tango ung taxi driver saka lumapit sa kin ung pulis umupo sa tabi ko at kinausap ako tiningnan nya ung ticket ko at nagtanung kung ilang taon na ko tapos sabi nya sa kin (bata kapa pasensya na dumadami na ung tao hindi mo rin nman siguro gustong humaba pa to kalimutan mo na lng ung mga ngyari kmi na ang bahala ihahatid ka na ng driver sa taft.) Un lang ang sabi sa kin nung matandang pulis tumango na lng din ako dahil ayoko din ng gulo ang gusto ko lang makauwi ng ligtas sa bahay. Tiningnan ko ung babae na hysterical knina relax na at parang wala lang ngyari. 

Habang nasa byahe nagtanung ulit ako sa driver kung bakit kmi pinabalik at kung bakit nila kinukuha ung bag ko sa kin. Ang sagot sa kin nung driver (mga kalokohan nila yun. Tama lang na hindi mo binigay ung bag mo dahil kung binigay mo yan ung babaeng lumapit sayo pwede nyang lagyan ng kung anu man yang bag mo at kapag nasa bag mo na ang bagay na yun pananagutan mo na yun dun ka pwedeng mapahamak. Kaya sa susunod na ba-byahe ka magisa wag kang tiwala sa staff at mga pulis dito dahil sila sila lang din ang madalas na gumagawa ng mga kalokohan dito.)

Sa mga nakaranas po ng ganito sa NAIA alam na po natin kung sino ang mga HINDI DAPAT pagkatiwalaan. Doble INGAT po. "😃

***