Isang guro, ikinagulat ang natuklasan tungkol sa jeepney driver na nasakyan niya - The Daily Sentry


Isang guro, ikinagulat ang natuklasan tungkol sa jeepney driver na nasakyan niya



Kamakailan lang, pumukaw sa atensyon ng isang pasaherong guro na papauwi sa kanyang tahanan ang braso ng jeepney driver na kanyang nasakyan. Gamit ang kanyang kuhang larawan, hindi nagdalawang isip na ibinahagi ni Gng. Sofia Domasig sa kanyang Facebook post ang natuklasan niyang kwento sa likod ng braso ng nabanggit na driver na naging usap-usapan sa social media.
Narito ang kanyang buong kwento:

"Habang nasa jeep ako papunta MRT Taft pauwi ng house kagaya ng nakaugalian ko, sumasakay ako sa likod ng driver para safe akong gumamit ng cellphone habang nasa biyahe pang-tagal inip. Hanggang sa di ko sinasadya... napatingin ako sa manibela ni Manong Driver at napatingin ako sa braso niya... bigla ko siya kaagad tinanong.


Ako: "Tay, nagda-dialysis po kayo?"
Manong Driver: "Oo"
Ako: (Sumunod na tanong ko kaagad) "Ilang taon na po?"
Manong Driver: "Apat na taon na."
Ako: (Wala ako masabi sa kanya kundi) " Ang lakas niyo po Tatay, God bless you po.


Bago ako bumaba, kinuhanan ko siya picture ng hindi niya alam... Gusto ko pa sana makipag kwentuhan sa kanya pero kailangan ko ng bumababa kasi late ko na rin nakita ung braso ni manong driver.

At now na nagmumuni muni ako habang naghihintay ako ng tren na sasakyan... Nag-flash back lahat ng paghihirap ng kapatid ko. Alam ko gaano kahirap ang kalagayan ng isang pasyenteng may Chronic Kidney Failure... Pero si manong driver, nakita ko sa kanya ang lakas ng loob na nakita ko sa kapatid ko na lumaban din for 4 years..


Lumaban kaming dalawa lalo't wala kaming aasahan kundi kaming dalawa lang...

Nakita ko kay Tatang na kailangan niyang maghanap buhay kahit may malala siyang karamdaman... ganun din kapatid ko noon... Hinihingal, kinakapos ng hininga at kung ano ano nararamdaman pero kailangan niya akong tulungan maghanap ng pang dialysis niya...


Pumila sa PCSO, sa mga politiko at kung saan saan makakahingi ng tulong.

Sobrang affected talaga ako kapag nakakakita ako ng mga CKD patients... Pero mas lalo ngayong araw na ito... ung makakita ka ng pasyente na dapat nasa bahay lang pero kailangan kumayod para madugtungan ang kanyang buhay.

Kaya pakiusap sa mga taong tamad diyan at mahilig mag-complain sa buhay, gamitin ang kalakasan sa paghahanap buhay... Maraming mga taong may kapansanan at karamdaman na nangangarap magkaroon ng malakas na katawan para mas lalo pang makapaghanap buhay. Kayo na kumpleto at malakas ay nagsasayang lang.

Sana makarating ito sa mga taong may kakayahang tumulong, mabigyan ng kabuhayan show case si Manong driver para bantayan na lang niya at di na niya kailangan magtrabaho ng pisikalan lalo na sa kanyang kalagayan. God bless po kuya. Long life para sayo.

Ang biyahe ni Manong driver ay biyaheng Baclaran-Nichols.”





Saludo kami sayo ‘Tay Alfredo Liwag! Sana marami pa ang tumulad at ma-inspire sa kasipagan mo!


Source: 1