Isang dalaga mula sa Zamboanga del Sur ang mayroong kakaibang kaso umano ng pagbubuntis. Mabilis na nag trending at kumalat sa social media ang kwento ng dalaga dahil hindi naman talaga ito kapani-paniwala.
Photo credit to the owner
Kwento ng dalaga, hindi pa raw niya nararanasang makipagtalik kaya naman labis na lamang ang kanyang pagtataka nang siya ay mabuntis matapos maligo sa swimming pool.
Ipinalabas ang kwentong ito sa isang episode ng programang ‘Kapuso Mo, Jessica Soho'.
Hindi makapaniwala ang mga netizens at naguguluhan sila kung papaano mabubuntis ang isang babae dahil lamang sa paliligo sa swimming pool.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Ayon sa 22 taong gulang na si Joy, naligo umano siya sa isang public swimming pool bago siya biglaang mag dalang tao. Kaya naman ang hinala niya ay nanggaling sa tubig ng pool ang sperm na pumasok sa kanya kaya siya nabuntis.
Kwento ni Joy, nang hindi na siya datnan matapos ang ilang buwan ay kinabahan na siya kaya agad siyang nagpa-konsulta sa isang doktor. Dito na niya nalaman ang nakakagulat na balita.
Nagdadalang tao umano ang dalaga.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Hindi naging maganda para kay Joy ang balitang ito lalo na’t hindi niya alam kung papaano ito nangyari. Bagama’t mayroon siyang boyfriend o karelasyon, idiniin umano nito na walang nangyari sa kanila para siya ay mabuntis.
Gayunpaman, kahit naguguluhan sa kanyang pagbubuntis, wala na itong nagawa kundi ipagpatuloy ang panganganak sa bata. Matapos ang siyam na buwan, isinilang ni Joy si baby Sittie Hannah.
Ilang buwan na ang lumipas ngunit patuloy pa rin ang usap-usapan ng mga tao sa kanilang lugar dahil sa kakaibang kaso ng pagbubuntis ni Joy. Ayon sa dalaga, ang pagligo niya sa public swimming pool noon ang naging dahilan ng kanyang pagbubuntis.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Samantala, ayon naman sa paliwanag ng isang OB specialist, imposible umano ang kwento ni Joy na dahilan ng kanyang pagkabuntis. Hindi umano matagal na nabubuhay ang sperm ng lalaki lalong lalo na sa swimming pool dahil sa chlorine nito.
Pareho rin ang naging reaksyon ng karamihan sa nakabasa sa kwentong ni Joy. Anila, hindi umano nagtatagal ang buhay ng sperm kaya agad itong namamatay. Mas lalo na kung sa swimming pool ito inilabas.
Kaya naman, maraming netizens ang hindi naniniwala sa kwento ng dalaga. Napaka-imposible nito. Marahil umano ay natatakot lamang itong magsabi ng totoo.
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
“Swimming pool? E pagkakatanda ko tinuro ng teacher namin mabilis daw mamatay ang sperm.”
“DNA testing is one of the solutions.”
“You cannot fool those students who listened in their Biology class.”
“Sperm doesn't live for long, most specially in water. They're very sensitive!”
“I’ve worked in a laboratory for an internship and I learned from it na hindi mabubuhay ang sperms outside the human body… cannot live it lalo na if may halo.”
***
Source: TrendyPinoy