77-anyos na lola, namamalimos kahit nagpapadala ng P30,000 kada buwan ang anak na nasa Japan - The Daily Sentry


77-anyos na lola, namamalimos kahit nagpapadala ng P30,000 kada buwan ang anak na nasa Japan



Kapag matanda na ang ating mga magulang, dapat ay nagpapahinga na lamang sila at nag-eenjoy sa buhay. Hindi na dapat sila magtrabaho o maghanap-buhay.
Donna Mizuochi at lola Dominica Cortez / Photo credit to the owner

Ngunit minsan ay napipilitan silang kumilos dahil sa kagipitan o pangangailangan. 

Katulad na lamang ng isang 77-anyos na lolang namamalimos kahit na nagpapadala naman ng malaking pera ang anak na nasa ibang bansa.

Sa programang Raffy Tulfo In Action, dumurog sa puso ng milyon-milyong viewers ang patungkol kay lola Dominica Cortez na nagagawa pang mamalimos kahit na umaabot umano sa P30,000 ang sustentong nakukuha mula sa kanyang anak na nasa Japan.
Lola Dominica / Photo credit to the owner
Donna Mizuochi / Photo credit to the owner

Bakit ba nga namamalimos pa ang matanda kung malaking pera naman pala ang ipinapadala sa kanya?

Ayon kay Donna Mizuochi, ang anak ni lola Dominica na nasa Japan, nilulustay umano ng kanyang kapatid na si Carmelito sa pambababae at paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang perang kanyang ipinapadala.

Tanging si Carmelito Cortez lamang ang kasama ng matanda dito sa Pilipinas.

Pahayag ni Donna na humingi ng tulong kay Tulfo, kasalukuyang itinatago ng kanyang kuya ang kanilang ina nang malamang nagsumbong sila sa RTIA.
Carmelito Cortez / Photo credit to the owner
Carmelito Cortez / Photo credit to the owner

Matagal na rin umanong nananakit si Carmelito lalo na sa kanilang ina. 

Bagama’t nakapangalan sa kanilang ina ang perang ipinapadala, pilit naman itong kinukuha ni Carmelito at winawaldas sa kanyang bisyo.

Dahil dito, napipilitang mamalimos si lola Dominica dahil wala na raw itong makain.
Meltres Cortes / Photo credit to the owner

Samantala, hinangaan naman ni Tulfo ang stepbrother ni Donna na si Meltres Cortes dahil ito ang bumibili ng groceries para kay lola Dominica at tumitingin sa kalagayan nito.

Sa pag-uusap nina Tulfo at Donna, napagdesisyunan nilang dahil na lamang si lola Dominica sa home for the aged kung saan mas maayos itong mapapangalagaan.

Panoorin ang buong video sa ibaba:



***