Ang kapansanan ay kailanman hindi magiging hadlang sa taong masipag at may dedikasyon. Kahit ano mang hirap ang kanilang danasin ay hindi nila ito alintana makatulong lamang sa pamilya.
Kaya naman agad na nag-viral sa social media ang 22-anyos na si Ryan Moralidad mula sa Barangay Sibsib Tulunan North Cotabato na kahit walang mga paa ay hindi naging hadlang upang makatulong sa pamilya.
Simula ng siya ay isilang, ganito na ang sitwasyon ni Ryan at sa kabila ng lahat, pinilit pa rin niyang magsumikap hanggang sa umabot siya sa kaniyang edad ngayon.
Kayang gawin ni Ryan ang ano mang ginagawa ng ordinaryong tao.
Gumagawa ito ng uling at ibinebenta ng P350 kada sako. Tumutulong rin siya sa pagsasaka at iba pang gawing kabay.
18-anyos si Ryan noong pumanaw ang kanyang ama. Sa ngayon ay kasama niya ang kanyang ina at mga kapatid na namumuhay.
“Maayo ug but-an gyud ni si Ipoy. Wala namo ni siya sugua apan kaugalingong desisyon niya ang motabang sa amoa. Kanang iyang paghimo og uli, pag-uma, ug uban pa, iyaha ra na natun-an pag tan-aw lang sa mga tao nga gabuhat ato (Ipoy is a kind and helpful man. We didn’t force him to do these things but he voluntarily does these for us. He said he wanted to earn and help us. No one really taught him one-on-one to do charcoal making and farming, he just learned it from observing from other people),” sabi ni Irine O. Dioso, hipag ni Ryan.
Tumigil na raw sa pag-aaral si Ryan noong siya ay grade 1 pa lamang dahil sa matinding pang-aasar sa kanya.
“Tani hindi na ko nila pagsunlugon pero sadya ko nga may ara ko sang mga abyan nga kaintindi kag baton ko (I hope they will stop teasing me but I am happy that I have friends now who understand and accept me),” sabi ni Ryan.
Sa kabila ng kanyang kalagayan, hindi nawawalan ng pag-asa si Ryan na makamit ang kanyang pangarap na maging successful businessman.
“Maski na amo ko sini makabulig gyapon ko sa akon pamilya kag sila man ang rason ngaa ko gapaningkamot (Despite having no legs, I can still help my family. They are the very reason why I keep going and strive in life).”
Nang tanungin kung ano ang mensahe niya sa mga kapwa niyang Persons With Disabilities (PWDs), “I hope you will not lose hope. I know you can find ways to help your family. You are capable.”
Sa mga gustong magpa-abot ng tulong kay Ryan at sa kanyang pamilya, maaaring kontakin ang mga numerong ito 09630236823 o 09104050617 at hanapin si Irene.
Isa si Ryan sa mga nagbibigay inspirasyon sa maraming tao na nawawalan na ng pag-asa sa kanilang buhay.
***
Source: SunStar Davao