Sabi nga ng karamihan, habang bata palang ay maiging natututo na tayong mag ipon at maging masinop. Nang sa ganun ay sa murang edad pa lang ay nalalaman na natin ang kahalagahan ng wastong paggamit ng pera.
Kaya naman marami ang humanga sa ibinahaging kwento ng Facebook page ni Chinkee Tan tungkol sa isang special child matapos nitong makapagipon ng mahigit P146 libong piso.
Ayon daw kay Marwan Saliao mula Maguindanao, taong 2019 daw ng January nang mag umpisang mag ipon ang kanilang special child na anak. Gamit daw ang karton na pinaglagyan ng facial tissue, itinatabi raw nito dito ang kalahati ng kanyang baon upang maka-ipon.
"sabi nya mama I will keep here half of my baon so that i can have more money, englishera kase sya."
Chinkee Tan | Facebook
Chinkee Tan | Facebook
'Di nagtagal ay kasama at katulong na nito ang kanyang mga kapatid sa pag iipon kaya naman binilihan na ito ng kanilang ina ng alkansya.
Hanggang sa tuwing napupuno nila ito ay humihingi na ang mga bata sa kanilang mga magulang ng extrang pera para sa panibago nilang pupunuing alkansya.
"Kaya noong January 2019 ay binilihan sya ng misis ko ng mga alkansya kasama ang mga kapatid nya kaya doon na nag umpisa ang PAG IPON NILA galing sa baon nila sa school at nanghingi na sila sa amin mag asawa ng extra para daw sa alkansya."
Chinkee Tan | Facebook
Chinkee Tan | Facebook
Matapos ang mahigit 3 taon, napagpasiyahan ng pamilya na tuluyan ng buksan ang kanilang alkansya dahil kinapos umano ang kanilang pera na pambayad sana ng isang lupa na nasa gilid ng dagat ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao.
Dito na nila nalaman ang laki ng halaga ng naipon ng kanilang mga anak na umabot sa P146,670 libong piso sabay pasalamat sa financial adviser na si Chinkee Tan dahil sa matagaumpay na pagsunod nila sa mga payo nito.
Chinkee Tan | Facebook
Chinkee Tan | Facebook
Libo-libo rin ang humanga sa dedikasyon ng magkakapatid sa pag-iipon at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa mga netizen na nakatunghay sa storyang ito.
Ngunit paalala ng isang netizen na si Fernando Isnec Jr.,
"dapat ilagay na lang sa investment ang iba bumababa ang value kapag di gumagalaw ang pera dahil sa inflation...coins hoarding yan.. turuan sila maginvest o magpalaki ng kita ng pera magtago para sa emergency funds sa banko kahit paano protected ang pera mo kaysa sa nakatago na pwede manakaw o masira o mawala.."
Chinkee Tan | Facebook
Chinkee Tan | Facebook
Source: Chinkee Tan | Facebook