11-year old na babae, nanalo ng tatlong gold medal sa marathon gamit ang DIY na surgical bandage “Nike” na sapatos - The Daily Sentry


11-year old na babae, nanalo ng tatlong gold medal sa marathon gamit ang DIY na surgical bandage “Nike” na sapatos



Simula pa sa ating pagkabata at pinapaalalahanan na tayo ng ating mga magulang at guro na magpursige upang makamit natin ang ating mga pangarap.
Photo credit: Predirick Valenzuela 

Walang malaki o mataas na pangarap kapag tayo ay marunong magtiyaga at magtiis. 

Ito ang pinatunayan ni Rhea Ballos, labing isang anyos na babae mula sa Bulasan, Iloilo, matapos niyang makapag-uwi ng tatlong gintong medalya sa 400m, 800m at 1500m run sa ginanap na Iloilo Schools Sports Council Meet.

Ang mas lalong nakakahanga kay Rhea ay wala itong gamit na sapatos sa pagtakbo. Gumamit lamang siya ng surgical bandage pantakip sa kanyang mga paa upang kahit papaano ay makaiwas siya sa anomang makakasugat habang siya ay tumatakbo.
Photo credit: Predirick Valenzuela
Photo credit: Predirick Valenzuela

Ang mas lalo pang ikinatuwa ng mga netizens ay ang naka-drawing na logo ng kilalang brand na “Nike” sa surgical bandages na si Rhea mismo ang naglagay.

Inimagine raw ng 11-anyos na bata na mamahaling sapatos ang kanyang suot. Tila ito raw ang nagbigay ng determinasyon kay Rhea upang makuha ang tatlong gintong medalya. 
Photo credit: Predirick Valenzuela

Hindi naging dahilan sa kanya ang kakulangan sa gamit upang makamit ang tagumpay.

Maging ang head coach ng Alaska Aces na si Jeff Carioso ay humanga sa batang babae.


Nagpatulong siya sa kanyang mga followers sa Twitter upang makausap si Rhea.


Umani ng maraming pagpupuri at paghanga mula sa mga netizens ang tagumpay ni Rhea. 

Her determination to win is a goal despite of poverty. Congratulatulations. Your dreams begin there to attain more success in life to help your family, the country, and yourself to feel the sweat of blessings,” sabi ni Prince Been.

Ang sapatos po ay ginagawa at ginagastusan designed to run faster and comfortable sa feet. Hindi po yang suot nya baka madulas pa sya dyan. Mga Sponsors alagaan na si ineng magaling at promising sya. Baka makakuha tayo ng bagong Lydia de vega sa katauhan nya,”  sabi niAldwin Clariza.

that is , as far as I know the most comfortable one. Pero bueno .. masakit yan sa semento .. promise.... magaling tong batang to. Nilaro lang nya yung contest .. pano pa kaya pag may sapat syang training at accessory? Magiging gold medalist to sa Sea games or more Olympics!” sabi ni Jhenny Sbrollon.


***