May sariling negosyo na at namahagi pa ng libreng lugaw at sopas sa kanilang lugar ang isang ulirang kuya na taga Navotas City.
Siya si Paulo Morales, isang Grab Bike Delivery Rider. Isang mapagmahal na panganay na mag-isang nag-aalaga sa kanyang mga kapatid kasabay ng kanyang pag ta-trabaho para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.
Kamakailan lang ay dumaing sa social media ang ulirang kuya at nanghingi ng tulong para sa kanilang magkakapatid. Pero hindi nanghihingi ng limos ang binata, bagkus ay inaalok nito ang kanyang serbisyo para kumita ng pera.
Hindi ito namimili sa trabaho at kahit gaano pa raw kalayo ang byahe ay tatanggapin nito dahil talagang walang wala ng siyang pera at nag aalala na sa kanyang mga kapatid.
Morales Paulo | Facebook
Morales Paulo | Facebook
"Hindi po ako pala post at pala daing, pero this time po Kakapalan kona po ang aking mukha na humingi ng tulong, di po sa panlilimos, kundi sa pamamagitan po ng delivery service, Grab Bike Delivery rider po ko pero dina po maka biyahe dahil nagamit sa emergency ang puhunan ko, Baka lang po meron kayong ipapa Pick up or deliver po kayo, kahit 50 klm po, yan"
Morales Paulo | Facebook
Morales Paulo | Facebook
"Papatusin ko po, wala napo kasi akong natitirang pera panggastos namin, dahil nag hahanap papo ako ng trabaho ngayon, at waiting pa sa interview sa BPO, kung sakali lang pong may ipapa Deliver, pick up po kayo, Sa akin n lng po. Salamat po sa ating lahat God bless po at sa Family niyo."
Ayon pa sa post ni Paulo, dalawang taon na mula nang makulong ang kanyang mga magulang dahil sa ipinagbabawal na gamot at mula noon ay mag-isa na lang siyang nag-aalaga sa kanyang mga kapatid.
Morales Paulo | Facebook
Morales Paulo | Facebook
Ito na rin ang naging dahilan kaya nahinto sa pag-aaral ang magiting na binata at pinili na lang na magtrabaho para sa ikabubuhay nilang magkakapatid.
Apat na araw makapalipas ang pagsalaysay ni Paulo ng kanilang kalagayan sa Facebook ay bumuhos ang tulong para sa kanila. Mabilis kumalat ang kanyang storya at libo-libong netizens ang nag-share nito kaya agad na nakarating ang naguumapaw na ayuda.
Morales Paulo | Facebook
Morales Paulo | Facebook
Sabi nito sa kanyang pangalawang post, "Sa Ngayon po Nakapag open napo ako kaninang umaga ng aming munting business na Fries with Milk Tea and Milk Shake. Nakapag pakain din po tayo ng mga tao sa aming Lugar dito sa Market 3 Fishport NBBN Navotas City. nakapag bigay na din po ako ng mga kailangan ng mga magulang ko at kapatid ko na nsa loob ng kulungan at kunting pinansyal para sa kanila, at nakapag bless din po tayo sa ibang needy din po."
Morales Paulo | Facebook
Morales Paulo | Facebook
Lubos ang pagpapasalamat nito sa Panginoon at sa lahat ng tumulong at patuloy na nagpapahatid ng tulong sa kanya.
Pinasalamatan rin nito ang Facebook page na Commons PH sa pagpapahintulot nito na maibahagi ni Paulo ang kanilang sitwasyon. Sa isang pagbabakasakali na makakuha ng 'booking' o trabaho ay higit pa ang natanggap nito.
Sa huli ay nagbabala ito sa mga nagnanais tumulong sa kanya na mag ingat sa mga mapagsamantala at nagpapanggap na kakilala ni Paulo.
Morales Paulo | Facebook
Morales Paulo | Facebook
Source: Morales Paulo | Facebook