"I fear the day that technology will take on our humanity.. the world will be populated by a generation of idiots," post ng isang concerned netizen gamit ang mga salitang tinuran ni Albert Einstein.
Photo by @LLLEBZLLL/TWRITTER |
Kung titignan ang viral photo, maaring ang una mong maisip ay pabaya ang ina ng sanggol. Kaya naman, samu't saring panghuhusga at masasakit na salita ang tinamasa ng inang ito na si Molly Lensing dahil dito.
Ngunit ano nga ba talaga ang istorya sa likod ng larawang ito?
Ayon kay Molly, ang litrato ay nakunan matapos magkaroon ng computer shutdown ang airline na kanilang sasakayan na naging dahilan ng makailang beses na pagka-rebook ng kanilang flight. Bukod pa dito, mahigit dalawampung (20) oras na siyang nakaupo sa paghihintay kasama ang kanyang dalawang (2) buwang sanggol na si Anastasia, kaya kinailangan niyang ibaba muna ang bata upang makapag-unat ito.
"Anastasia had been held or in her carrier for many hours. My arms were tired. She needed to stretch,"pahayag ng ina.
Bakit niya hawak ang kanyang cellphone?
"I had to communicate with all the family members wondering where the hck we were,"paliwanag niya.
Dahil sa pangyayaring ito at sa panghuhusga ng ilang mga nakakita nito, bahagyang ikinabahala ni Molly na makita ito ng kanyang boss at mga ka-trabaho at isiping siya ay isang pabayang ina. Ngunit laking pasasalamat niya na hindi ganoon ang nangyari.
Nagpasalamat din siya suportang kanyang natanggap matapos niyang ipaliwanag ang totoong pangyayari sa likod ng larawan.
"Ignore the photos and the comments and draw support from the people you hold dear."
Dahil dito, ilang concerned netizen ang nag-request sa orihinal na nagpost na burahin ang larawang ito matapos magbigay ng maling persepsyon na pinabayaan ng ina ang sanggol.
"This mother is letting her child stretch. It is obvious! Nothing wrong with this photo," pagtatanggol ng mga netizen.
Source: 1