Kilala si Virgelyn o ang programang Virgelyncares 2.0 sa pagtulong sa mga kapus-palad at mga taong hirap sa buhay, kaya naman marami ang taos pusong humahanga at sumusubaybay rito.
Kamakailan nga lang ay isang PWD na nagngangalang Deo ang kanila nanamang natulungan. Hirap sa pagkilos dahil sa kanyang kapansanan, nakakalungkot na si Deo ay nag iisa na lang sa buhay.
"Parang awa mo na po!" "Ikaw ang pag-asa ko po!" Ito na agad ang bungad ng kaawa-awang si Deo nang sila ay magtagpo ni Virgelyn.
Dahil sa kanyang kalagayan, nagkakaroon lang siya ng pagkain sa tulong ng kanyang mga kapitbahay. Binibigyan siya umano ng mga ito ng bigas at pagkain para may maisaing at may maipantawid gutom.
Kung minsan nga raw ay umaabot ng dalawang araw na wala siyang kinakain.
Virgelyncares 2.0 | Facebook
Virgelyncares 2.0 | Facebook
Agad naman itong nagpabili ng makakain at nagpatulong na mapaliguan ang hirap sa pagkilos na si Deo.
Matagal na umano siyang nagpapagala-gala sa kalsada sa pag-asang matyempuhan si Virgelyn dahil sinabi ng kanyang mga kapitbahay nito ang pagtulong na ginagawa ni Virgelyn sa mga mahihirap.
Hindi naman ito nabigo at muling nabigyan ng pag-asa at ngiti matapos matanggap ang tulong na kanyang inaasahan.
Virgelyncares 2.0 | Facebook
Virgelyncares 2.0 | Facebook
Sandamakmak na grocery ang naipagkaloob kay Deo at mabilis ding ipinaayos ni Virgelyncares ang kanyang maliit na barong-barong.
Bukod dito ay nakatanggap din siya ng P15,000 pesos para pandagdag sa kanyang araw-araw na pangangailangan.
Sa huli ay lubos ang pasasalamat ni Deo at ng mga maaalalahaning kapitbahay nito sa Diyos, kay Virgelyn at sa programa.
Inaasahan pa nito ang karagdagang pang tulong gaya ng mga unan at maayos na higaan upang mas maging komportable sa pagpapahinga ang may kapansanang si Deo.
Virgelyncares 2.0 | Facebook
Virgelyncares 2.0 | Facebook
Source: Virgelyncares 2.0 | Facebook