Sumaludo ang libo-libong mga netizens sa isang delivery rider matapos ibahagi ng manager ng Chowking na si Loyd Tolentino ang kanyang nasaksihan sa pinagtatrabahuhang fast food restaurant.
Kamakailan lang kasi ay pinost ni Loyd sa kanyang Facebook account ang kanilang naging usapan ng isang hindi pa nakikilalang Grab delivery rider.
Aniya, nagtataka siya kung bakit hindi pa naalis ang rider para ihatid ang pagkain sa customer. Kung ang iba ay madalas na nagmamadali upang ma-deliver agad ang order, ang isa namang ito ay tahimik sa isang gilid at tila busyng-busy sa ginagawa.
Narito ang kanilang naging usapan na kasalukuyang pinupusuan sa social media.
"Salute To You Kuya Grab Rider (clap hands icon)"
Loyd Tolentino | Facebook
Loyd Tolentino | Facebook
"Cashier: Sir Kumpleto na po yung Order, Pero Nandyan Parin sya."
"Me : (Nilapitan ko) Bakit dika pa Umaalis, Completo na Order Mo."
"Grab: Wait Lang Po sir May Gagawin Lang ako"
"Me: Mas Lumapit pa ako, Nakita ko May Hawak sya 2 Phone, Sabi I said Ano Ginagwa mo?"
"Grab: Nag Eexam ako sir, May Online Exam Kasi Ako Today."
Public Photos | Facebook
Public Photos | Facebook
"Me: Bat ka nag Grab Service Ngayon!? May Exam ka Pala.... (Feeling Concern 'sweat smile emoticon')"
"Grab: Ok lang Sir SaGlit Lang Ito"
"Me : Baka I Cancel Ng Customer Ang Order nya baka Ma Late Ng Delivery"
"Grab : Na inform Ko Naman Po sya sir ( Ang Customer)" (mabuti na lang at naunawaan siya ng customer)
"Me: Anong Course mo?"
"Grab: Criminology sir ( Graduating na)"
Public Photos | Facebook
Public Photos | Facebook
"Me: Ah I see Cge GodBless ( Iniwan ko na sya Hanggang Matapos Sya sa Pag Exam Hindi Naman sya nag Tagal In 5mins)"
"Nakakatuwa Dahil May Mga Taong Nag Susumikap para sa Pangarap Nila,Pinag sasabay Ang Pag Aaral at Pag Kita Ng Salapi (clap hands icon)"
"Kahit Anong hirap Gagawin para sa Pangarap Laban Lang (strong icon)"
"Godbless Sayo Kuyang Grad Rider (clap hands icon)"
"Proud here as Former Working Student (smiley, heart emoticon)"
Bilang isang dating working student, batid ng lahat na lubos na naiintindihan ni Loyd ang sitwasyon ng deliver rider.
Ito marahil ang naging dahilan para buong pagmamalaki nitong ibinahagi ang istorya sa madla, upang maging inspirasyon ng mga taong patuloy na lumalaban at nagsusumikap sa buhay.
Saludo ang karamihan sa iyong kasipagan, nawa'y patnubayan ka ng Diyos sa lahat ng daraanan mo upang ganap mong makamit ang iyong pangarap sa buhay. Ride Safe Idol!
Loyd Tolentino | Facebook
Source: Loyd Tolentino | Facebook