MAG-INGAT: Ketchup m0dus laganap kahit sa panahon ng pandemya - The Daily Sentry


MAG-INGAT: Ketchup m0dus laganap kahit sa panahon ng pandemya



Kahit sa panahon ng krisis o pandemya ay hindi pa rin nawawala ang mga taong manloloko at masasamang loob.
Photo credit: Mark Cruz Pararoja

Hindi na bago sa atin ang makarinig o makabasa ng iba’t ibang klaseng modus ng mga kawatan dahil lahat ay kaya nilang gawin makapang biktima lamang ng inosenteng tao.

Katulad na lamang ng bagong modus na ibinahagi ng isang netizen na nabiktima ng mga kawatan matapos matangay ang kanyang Iphone 11.

Sa Facebook post ni Mark Cruz Pararoja, ikinuwento nito kung papaano siya nabiktima ng ketchup modus.

Kwento niya, nakasakay siya sa jeep papasok sa kanyang trabaho nang may sumakay na anim na lalaki.

Ang dalawa ay umupo sa kanyang harapan at ang dalawa naman ay tumabi sa kanya.

Maya maya raw ay may itinuturo ang lalaking nasa harapan niya. 

the person seated in front of me is pointing in my left shoulder and saying na may Badjao na dumura sakin. Pag tingin ko may ketchup na sa balikat ko and since I dont have a tissue handy at that time, I decided na hindi ko nalang muna pinansin,” sabi ni Mark.
Pagdating ko sa office I’ve accessed all my accounts and changed my password. I tried to locate my phone using Find my iPhone App but to no avail. Pagdating ko sa bahay I can no longer access my accounts and tried to recover it using my back up email but it seems na napalitan na nila lahat.

Ngunit dahil hindi raw mapakali ang mga pasahero sa ketchup na nasa balikat ni Mark ay sinubukan niyang manghingi ng tissue upang punasan na lamang ito.

Itinago ni Mark ang cellphone niya sa kanyang bag upang punasan ang ketchup. Sinubukan pa raw siyang tulungan ng lalaking nasa kaliwa niya.

Ngunit ang hindi niya alam ay nakuha na pala ng lalaking nasa kanan niya ang kanyang cellphone.

Yung lalaki sa left decided to help me not knowing that the person in my right already got my iPhone 11 nang hindi ko napapansin,” kwento ni Mark.

Bigla nalang ako sinabihan ng mga tao sa jeep na bumaba na yung kumuha ng phone ko,” dagdag niya.

Dali daling bumaba ng jeep si Mark upang habulin ang kawatan. Mayroon din daw lalaking nakamotorsiklo ang nag-alok ng tulong na habulin ang kumuha ng kanyang cellphone.

Ayon sa nakamotorsiklo, sumakay raw ng jeep ang magnanakaw. Ngunit hindi na nila ito nahabol dahil sa stop light.

Sa post ni Mark, may isang netizen ang nag-message sa kanya at sinabing kasabwat rin daw ang lalaking nakamotorsiklo.
And guess what??? Kasabwat po si kuyang nakamotor na I thought na tumulong sakin. Ayan screenshot ng isang victim din with same modus. TRUST NO ONE!!!!

Narito ang kanyang buong post:

“KETCHUP MODUS 

March 02, 2021: Around 9PM I rode my way to work using the public transport which I always did. This is just an ordinary day to me. And so I thought. During my travel time may sumakay na 6 na lalaki sa may Junction. 2 of them sat infront of me while the other 2 comfortably seated beside me. After few minutes, the person seated in front of me is pointing in my left shoulder and saying na may Badjao na dumura sakin. Pag tingin ko may ketchup na sa balikat ko and since I dont have a tissue handy at that time, I decided na hindi ko nalang muna pinansin. However, yung mga tao sa jeep ay hindi mapakali sa balikat so I asked if they have tissue. Nilagay ko yung phone sa bag ko and opted to wipe what’s in my shoulder. Yung lalaki sa left decided to help me not knowing that the person in my right already got my iPhone 11 nang hindi ko napapansin. Bigla nalang ako sinabihan ng mga tao sa jeep na bumaba na yung kumuha ng phone ko. Bumaba ako para habulin then may lalaking nakamotor na tumulong since nakita nya na sumakay ng jeep yung magnanakaw. He offered to help me out habulin yung jeep so I decided to grab his help but hindi na namin nahabol dahil nag stop light. Since I believe that there’s no chance of getting my phone back so I decided to report to work.

Paki basa nalang yung description kada picture for further details at yung ibang victim ng ketchup modus.

Please keep safe always!”
They have attempted to access my BPI online banking thats why I got this error message. Naghanap ako ng malapit ng ATM para mawithdraw yung laman ng bank account ko. Then I called my bank to disable all my online banking access pati na rin yung card just to be safe.
I have reported my iphone as lost/stolen so they cant use the phone. Apple asked for a back up number in case na may mangialam ng phone ko then I got this message around 7:30PM March 3, 2021 na nasa Recto na yung iphone ko.

Narito ang ilang Facebook post ng mga nabiktima ng ketchup modus.




 
***