Walang makakapantay sa tuwa at pasasalamat ng mag-asawa mula Sulu dahil sa tulong ng bawat isa parehas na silang ganap na mga lisensyadong guro matapos makapasa sa Licensure Examination for Teachers.
Umaapaw ang emosyong nararamdaman ng mag-asawang sina Reyner Bahulluk at Norhima Sular sa tagumpay na matagal na nilang pinagtutulungang masungkit.
Kapwa silang nagtatarabaho bilang mga security guards sa isang tindahan at kahit pa pagod na sa mahabang oras na nakatayo sa trabaho, iginugugol nila ang bawat oras pagkadating nila sa bahay sa pagrereview.
Ayon pa kay Reyner, hindi man nila nakuhang pumasa sa unang subok ng exam, hindi sila nawalan ng pag-asa upang ipagpatuloy at sumubok muli hanggang sa naipasa nilang dalawa ang licensure exam.
At kahit marami ang mga taong hindi naniniwala sa kanilang kakayahan hindi ito naging hadlang sa mag-asawa para tumugil sa halip ay ginawa pa nila itong inspirasyon at pinatunayang walang hindi nila kakayanin basta sama-sama silang pamilya sa lahat ng oras.
Pumasa ngayong taon si Reyner pagkatapos ng hindi palarin sa unang limang beses na pagkuha nito ng exam. Habang si Norhima naman ay pumasa sa kanyang ikalawang kuha ng exam noong 2019.
Iniwan na ni Norhima ang kanyang dating trabaho upang unti-unting magbigay daan para sa kanyang propesyon sa pagtuturo. Kasalukuyan siya ngayong nagtuturo bilang volunteer teacher sa isang paaralan sa Sulu. Hinihintay na lamang ngayon ni Reyner ang oathtaking ceremony nila at patuloy parin na pumapasok bilang sekyu.
Labis rin ang pasasalamat ng mag-asawa sa kompanya ng kanilang pinagtatrabahuan dahil sa pagigisng maintindihan at suportado sila habang pinagsasabay ang trabaho sa pagkamit ng kanilang mga pangarap.
Marami rin sa mga netizens ang pinusuan ang kwentong tagumpay na bunga ng hindi pagsuko at umaapaw na determinasyon ng mag-asawa na kahit pa sa takaw oras at pagod sa kanilang trabaho at ilang beses mang nabigo hindi ito naging dahilan upang isuko ang pangarap.